seventy-first

209 19 2
                                    

CLAIRE

Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat sa blackboard ng Journalism Club pagkatapos mag-chat ni Sunghoon. Kakatapos lang din naman ng assignment ko sa Mapeh and I was about to tell him kaso makulit talaga ang isang yun.

Saka isa pa, magpapatawag na lang ako ng meeting mamaya para sa next articles lalo na at sportsfest na next week and I'm sure na mape-pressure si Hyunjin about it.

I just don't want them to pressure themselves para lang maging maganda ang kalalabasan ng newspaper this year.

❝Hi Claire!❞ bahagya naman akong napatingin sa pinto at nakita si Sunghoon na papasok ng Journalism Room. I just smiled at him saka nagpatuloy sa pagsusulat sa blackboard.

❝What are you doing?❞ tanong niya.

❝Sinusulat ko lang yung mga kailangan mamaya sa meeting. Isa pa, andito na rin kase yung mga events sa school para at least every meeting hindi natin makalimutan❞ hindi ko alam ang naging reaksyon niya dahil nakafocus lang naman ako sa pagsusulat.

I was about to walk to the side para sa susunod na sinusulat kong lines nang pakiramdam kong halos malaglag ang puso ko dahil muntik pa akong matapilok thankfully nasambot niya ako agad.

Jusmiyo naman, bakit ba kase siya andyan? Hindi niya ba nakikitang nagsusulat ako? Eh pero kasalanan ko rin naman at dapat tumingin ako. Aish! Ewan!

❝Are you alright?❞ nag-aalalang tanong niya with his worried face. Napalunok na lang ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

❝I'm sorry, bub❞ hindi ko alam kung bakit biglang lumundag ang puso ko sa 'endearment' na tinawag niya sakin. It feels more different kapag naririnig ko ng personal sa kanya.

❝N-no, it's fine. Dapat tumingin ako, hindi ko alam na andyan ka❞ nakayukong sambit ko dahil pakiramdam ko ngayon mas naiilang ako sa kanya.

❝By the way, did you liked my profile picture❞ rinig ko mula sa boses niya ang pagmamalaki.

I don't really get this man these past few days. I don't know if it's just me or talagang inaasar niya na ako nitong mga nakaraang araw. It feels weird!

❝Why are you asking me?❞ natatawang tanong ko.

❝Hmm..❞ I saw him placed his hands on his chin saka tumingin sa taas na para bang nag-iisip. He really liked teasing me.

❝Maybe because I want you to like it?❞ sabi niya in asking way. I don't really understand him

❝I mean not the react one but I want you to like admire it?❞ napakagat lang ako sa ibabang bahagi ng labi ko saka nagpatuloy lang sa pagsusulat.

❝Nga pala, alam mo ba? May kagaguhang nangyari kanina❞ hearing him saying 'gago' really makes me want to laugh. I never heard him say that before. Or baka kase hindi ko lang talaga maimagine na magsasabi siya ng ganun.

❝Judging from your laugh, I suppose that was a funny story❞ sabi ko naman sa kanya still writing on the blackboard.

❝Yeah, alam mo ba? Kyline slapped Jay earlier?❞ I was stopped from writing something dahil sa kwinento ni Sunghoon.

Kyline? Oh my gee, seryoso ba siya? I feel so bad for Jay. Malakas pa naman manampal ang bruhang yun.

❝Seryoso ba? Bakit daw? Poor Jay❞ iiling-iling na sambit ko.

❝Eh kase naman, nagpa-roleplay kanina si Mrs. Yoo tapos it was all act when Jay just back hugged Kyline. Maybe Kyline didn't expected that Jay will do that❞ hindi ko naman maiwasang matawa sa kwinento niya. She really hates Jay, bakit naman si Yeonjun dati okay lang sa kanya.

❝You know what, hindi ko alam kung sa kwento or sa kachismosohan mo ako matatawa. I didn't expected na chismoso ka rin pala❞ pabiro kong sambit sa kanya. He just pouted habang ako ay ibinalik ang atenson ko sa pagsusulat.

❝Kinukwento ko lang naman sayo. Hindi ako chismoso❞ hearing his voice, alam kong naka-nguso parin ang isang 'to.

❝Ewan ko sayo, Park Sunghoon❞ iiling-iling na sambit ko habang nagsusulat lang.

❝Gusto mo ipakita ko sayo kung paano yung nangyari kanina❞ napakunot naman ang noo ko. Paano niya naman ipapakita sa akin aber.

❝Paano naman?❞ kunot-noong tanong ko sa kanya. I heard the chair creaked as something slowly crawl into my waist.

Napatigil ako sa pagsusulat para tignan ito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ko ang braso ni Sunghoon na nakabalot sa beywang ko ngayon.

Wth is he doing?!

❝I wish I could always hug you like this❞

TO BE CONTINUED..

❛Come In With The Rain❜ ┇ ENHYPEN's Sunghoon✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon