Chapter 8

2.3K 130 111
                                    

Chapter 8

Hindi kami pinalaki ng magulang ko na mahilig magmura pero hindi ibig sabihin ay hindi na rin ako nakapagsasalita o nakagagawa ng hindi maganda. Hindi rin ibig sabihin na nagmura ka, masama ka na agad.

It's just sad that this world is full of individuals who, no matter what you say and do, are going to judge you. Hindi totoong sa paligsahan lang may hurado at sa korte lang may hukom dahil lahat tayo, tagahatol sa kapwa natin tao.

Sabi noon sa akin ni Mama, kapag ang tao ay nag-mature na, hindi na sila basta-basta nanghuhusga dahil mas bukas at malawak na ang isipan nila.

I can't say I'm mature enough not to judge other people but as much as possible, I prevent myself from doing so. Kasi ano ba naman ang mapapala ko kung manghuhusga lang ako lagi ng ibang tao? Hindi na nga ako matalino, puro negatibo at ka-toxic-an pa ang iisipin ko.

Waste of time.

"Saan ka magka-college ngayon, Dwight? Sa Unibersidad de la Trinidad papasok si Izzy!" Harley was so enthusiastic while talking to him.

Like what I just said, I don't usually cuss. Mahal ko naman si Harley pero puwede bang murahin ko rin? Kahit isa lang?

"Really? Doon din ako papasok ngayong academic year. What program are you planning to take, Izzy?" Dwight asked beside me.

Ang sarap lang talaga murahin ni Harley pero hindi ko magawa. Especially not when Dwight is here. Bakit ba kasi niyaya ni Harley ang isang 'yan at pumayag naman ito?

Papunta kami ngayon sa Timezone kung nasaan ang apat. Muntik ko na ngang makalimutan kung bakit kami nandito dahil kay Dwight.

"Uh... Hospitality Management." I swallowed. "Ikaw?"

Matangkad lang yata ng isa o dalawang pulgada sa akin si Dwight. He was my classmate in junior high but we were not really close. His hair reminds me of our elementary and junior high school years when they were required to have clean-cut hair.

He's sporty and he has... chinky brown eyes. Iyon ang pinakagusto ko sa isang lalaki. Chinito. 'Yong tipong kapag ngingiti o tatawa, nawawala ang mga mata.

"Oh? E 'di nasa iisang department lang pala tayo kung nagkataon. I'll take Tourism Management," manghang aniya at ngumiti.

"Talaga? E 'di hindi na pala ako masyadong mag-aalala sa kanya sa pasukan. Isang building lang naman ang College of Tourism and Hospitality Management sa UdLAT, e," pabida na namang sabi ni Harley. "Samahan mo lagi 'tong kaibigan ko para naman hindi lonely!"

Bahagya ko siyang siniko. Napagigitnaan kasi nila akong dalawa tapos itong si Harley, siya ang panay kausap kay Dwight. Sana nagtabi na lang sila, ano? Nakakahiya lang na lilipat pa ako ng puwesto sa tabi lang ni Harley, baka isipin ni Dwight na ayaw ko siya katabi o ano man.

Pero teka nga, ano naman kung iyon ang isipin niya?

Dwight chuckled. "I don't think she'll be lonely, though. Madali lang namang pakisamahan si Izzy kaya magkakaroon agad siya ng kaibigan doon. Hindi rin naman siya mahirap... gustuhin."

Tila ako kinidlatan sa huli niyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya. He was smiling genuinely and I couldn't help but to adore him again.

Nakakainis. Bakit ba parang ang hilig ko sa mga mukha at totoong good boy? Wala ba ako diyang magugustuhan na medyo bad boy naman? Kaso ay ayaw ko naman talaga sa bastos at barumbado.

Hindi raw ako mahirap gustuhin? E, bakit hindi niya ako magustuhan tulad ng pagkagusto ko sa kanya noon? Kinalimutan ko na nga siya noong nag-SHS tapos biglang magpapakita?

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon