CHAPTER 10 -Hiding my heart away

17.6K 700 442
                                    

"Himala yata Athena ang aga mo pumasok today ah? Usually 5 minutes before the class tsaka ka palang pumapasok?" Sambit ng hihikab hikab na si Chinee na ngayon ay papunta sa direksyon ko.

Maaga kasi akong nagising. Hindi ko rin alam bakit ako excited today sa pagpasok. Hindi ko rin mapaliwanag ang nararamdaman ko kay Professor Eira.

Umupo si Chinee sa tabi ko at ibinaba ang ulo sa arm chair upang matulog. Mukhang puyat na puyat siya.

"Bakit ba parang lantang gulay ka yata diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Si Tanya kasi eh anong oras na ako pinatulog.." Pagod na sambit ni Chinee.

"Tanya??? as in my friend and the manager of my restaurant?" Nakakunot na tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin na pupungas pungas.

"Oo! Siya nga! Nakilala ko siya nung Birthday mo diba? Simula noon naging close na kami."

I can't believe it! So ano pa ang di ko alam sa kanila? May something ba sa kanila?

"So, anong ginawa niyo last night?" Makahulugang tanong ko habang nakangiti.

"Shut up, Athena.. I'm so tired! Let me sleep for a little while" And she dozed off to sleep. Ayaw niya talaga mag share! Ang daya niya!

Meron pa naman kaming 15 minutes before the class starts. Unti unting nagsisidatingan ang mga classmates ko.

Nahagip ng tingin ko si Marcus na papunta sa aking direksyon.

"So Athena, mayroon ka na bang balita para kay Stella para makapunta siya sa Engagement Activity sa London?" Tanong ni Marcus na nakaupo sa likod ko.

"To be honest Marcus, I am still trying to find a way. I will talk to Professor Eira about it one of these days. Don't worry" I gently smiled at him.

Maya maya pa ay may biglang pumulupot na kamay sa leeg ko and kissed me on my forehead.

"It's been a week, Athena.. I missed you.." Bulong sa akin ni Steven. What is he even doing?

Tinanggal ko naman ang kamay niya at hinarap siya.

"You know Steven, I am not yet comfortable.. I hope you understand.."

"It is okay, I'll wait until you are ready. I'll be patient." He smiled at me and pinched me on the cheeks.

I smiled at him in return.

"By the way, Athena, punta ka mamaya sa Resto Bar ko ha. You didn't come with us last time. Hang out and chill lang tayo." Tumingin ito kay Chinee at itinapik ang ulo.

"Aray Steven ha! Natutulog ako ha!" Chinee is now glaring at him.

"Haha! Punta ka mamaya Chinee sa Resto Bar.. I'll wait for you there."

"Pwede ba magsama mamaya?" Napatingin ako kay Chinee dahil sa tanong niya.

"Sure! Bring anyone you like. Sagot ko!" Hanggang sa umupo na si Steven sa tabi ni Matthew.

"Who are you bringing?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.

"Tanya" She blurted out.

I smiled because I think there's something going on between them. I can't wait for them to spill it out. I'll make sure that they will get drunk later para makapagkwento sila sa akin. I know Tanya, she speaks out when she's drunk.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang diyosa. Damn I missed her.

She is wearing a black dress, closed heels, and white blazer. She placed her ER Collection bag on top of the table and look at everyone. She landed her eyes on mine and smiled.

Taming the Ice Cold Princess (ProfessorXStudent) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon