TAMIS 26

4.7K 384 233
                                    

Kararating lang ni Aurea mula sa pinag-apply-an niyang kumpanya nang madatnan ang asawa sa garahe na pinagagalitan ang alaga nilang pusa na si Pusa.

Mukhang hindi siya nito napansin dahil nagpapatugtog din 'yon sa sound system ng Honda Civic na nasa garahe.

Hindi niya maiwasang mapangiti dahil nakapamaywang pa si Devin habang nakatingin sa pusang mukha namang walang pakialam sa sinasabi nito.

"Lagot ka sa ina mo kapag naamoy 'yang tae mo roon sa may kusina!" Kita pa niya ang pagkamot nito sa ulo bago muling nagsalita, "Pinagod mo lang ako. Dami ko na ngang nilinis at ginawa, sinabayan mo pa."

Sakto namang napalingon ito sa kinatatayuan niya. 'yong nakakunot nitong noo ay napalitan ng tipid na ngiti.

Kumaway siya bilang pagbati. Agad naman itong lumapit pero 'di gaya nang inaasahan niya, hinaplos lamang nito ang kaniyang buhok bago kinuha ang kaniyang bag.

Aminado siyang nanibago siya roon. Dati kasi, kung hindi yakap ay halik ang bungad nito palagi sa kaniya.

"Hindi ka naman maiintindihan ni Pusa kahit pagalitan mo pa 'yan," sabi niya bago kargahin ang kanilang alaga. "Hi, bibi. Miss mo si Meowmy?"

Magsasalita pa lang sana siya ulit nang mapansing wala na pala roon ang asawa.

"Pasok na tayo sa house, bibi?"

Sakto namang nag-meow ito sa kaniya.

Napatigil siya sa paglalakad nang makitang ang daming pagkaing nakahain sa mahaba nilang dining table. May mga lobo pa sa sahig pati na rin sa kisame.

Ang pinakanakaagaw ng kaniyang atensyon ay ang cake na kulay itim at may BMW car topper pa.

Napalingon naman siya sa mister na kagagaling lang sa banyo at may hawak pa 'yong alcohol spray.

"Hindi ba amoy tae? Sorry, 'yang anak mo kasi tumae roon sa gilid ng sliding door kanina. Nilinisan ko naman nang mabuti pero baka maamoy pa rin."

Ngumiti pa ito na para bang hiyang-hiya sa kaniya.

Ibinaba niya ang pusa bago kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan kung ano'ng petsa ngayon.

Napakagat siya sa labi dahil hindi niya agad naalala ang araw na 'to.

Dali-dali siyang naglakad palapit para bigyan ito ng isang mahigpit na yakap.

"Happy Birthday, Dev. I'm sorry, hindi ko—"

"Sshh. Kalma. Muntik ko nga ring makalimutang Bortdi ko pala ngayon. Minadali ko lang ang pagluluto sa mga 'yan kanina tapos inorder ko na lang 'yong iba habang wala ka pa."

Tumawa ito bago hinimas ang kaniyang likod. Kumalas din ito agad sa yakap.

"Alam mo ba, noong una tayong nagkakilala, kabi-Birthday ko lang n'on," masigla nitong kuwento.

Ngumiti siya. "Kaya nga alam kong November noong—"

Napatigil siya saglit dahil ayaw niya munang magbanggit ng tungkol sa nangyari sa kanila noong gabing 'yon.

"—tapos December naman ang Birthday ko. Hindi pa naman tayo magkausap n'on kaya hindi talaga tayo makapagce-celebrate."

Ngumiti ito. 'yong ngiting Devin Francisco. 'yong ngiting nakapagpapagaan ng kaniyang loob.

"Okay lang bang samahan mo akong i-celebrate 'tong araw na 'to? Alam kong hindi pa talaga tayo okay pero puwede bang iregalo mo muna sa akin 'to?"pakiusap nito sa kaniya.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon