CHAPTER 18

100 4 0
                                        

“Ate Dar, may gustong kumausap sa'yo!”



Nagising ako sa pagyugyog sa'kin nila Alex. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil nahihirapan akong makatulog at isa pa, kinikilig pa rin ako sa tanong niya sa'kin na kung pwede niya raw ba akong ligawan, syempre nag-isip muna ako baka akalain niya easy to get ako pero dahil isa siyang John Paulo Nase, pumayag ako, ehe!



“Sino raw?” tanong ko sa kanya pero inabot niya lang sa'kin 'yung cellphone niya.



“Hello?” saad ko sa kabilang linya.



“Good morning,” Napabangon ako nang makilala ko 'yung boses niya. Pucha, kinikilig ako!



[“You still there?”] tanong niya at sumagot ako. [“Eat your breakfast, Shi, I'll call you later, bye,”] he said and end the phone call.



“So kayo na?” tanong ni Alex matapos kong ibalik sa kanya 'yung cellphone niya.



“Hindi pa,” sagot ko.



“Saan kayo nagpunta ni kuya, kagabi?” tanong ni Denise at naupo sa tabi ko.



“Kaya nga, bakit ang tagal niyo?!” tanong naman ni Alex.



Feel ko tuloy nasa police station ako dahil sa mga tanong nilang dalawa. Parang mga imbestigador!



“Nag-dinner lang kami,” sagot ko sa tanong nilang dalawa.



“Sure kang dinner lang?” Pinaningkitan ako ng mata ni Alex.



“Okay, fine, sinayaw niya ako tapos tinanong niya ako kung pwede niya raw ba akong ligawan and I say yes,”



“Owshi! Hashtag DaPa lang sakalam!” Kinikilig na saad ni Denise.



Kumunot'yung noo ko. “Anong dapa?”



“DaPa means Darlene and Paulo!” Paliwanag ni Alex.



“Kaming dalawa ang founder ng loveteam niyo, ha.” saad ni Denise at napailing na lang ako sa kalokohan nilang dalawa.



“Tara na p—” Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Pablo na kakapasok lang ng bahay nila.



It's my monthly check-up today. I just wore blue loose linen dress and paired with sandals. I applied light make-up too on my face kanina para hindi ako magmukhang maputla.



“Mabuti na lang nakaabot ako,” Hinihingal niyang sabi. “Ma, ako na lang sasama sa kanya,” saad niya.



“Sigurado ka?” Tanong ko sa kanya.



“Yes,” he smiled.



“Good to hear, sige na, umalis na kayo baka ma-late pa kayo,” saad ni Mama at umalis na kami.



Umupo ako sa shotgun seat at sinuot ang seatbelt. He started the engine.



“Ngayon na ba malalaman 'yung gender ni baby?” tanong niya habang sinusuot ang seatbelt niya.



“No, next month pa,” sagot ko at tumango siya.



Habang nagda-drive siya ay nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop 'yon pero nasa daan pa rin 'yung tingin niya.



He stopped the car at the parking lot of the hospital. Hinubad ko na 'yung seatbelt at bumaba na.



“Sasama ka pa ba sa loob?” tanong ko sa kanya. Nag-aalala lang kase ako baka may makakilala sa kanya at dumugin siya.



MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]Where stories live. Discover now