Chapter 21

467 14 0
                                    

"Oh, bat parang natatae ka diyan?" Nakakunot noong tanong ni Calixian sakin.

Nandito kami ngayon sa taas. Papunta sa kwarto niya

"Ahh, I know that expression." Sabi niya at lumapit sakin.

"You're scared huh" nakangisi niyang sabi.

Napaatras ako ng hakbang dahil. Dahan dahan na talaga siyang lumalapit.

"U-uy pwede bang tumigil ka" nanlalamig na nang husto ang kamay ko dahil sa nerbyos.

"Hmm?" Himig niya at nakangising lumapit sa akin.

Help!!

Nanginginig ang tuhod ko habang umaatras palayo sa kanya

Sinong tutulong sakin dito? Eh nasa baba silang lahat!

"Aatras ka pa talaga?" Nakangising tanong niya.

Napalunok ako sa uri ng ngisi niya. Parang anytime wala na kong matatakbuhan!

Pero fight lang self, wag kang padadala dyan sa loko lokong yan, baka scam yan

"Isang hakbang mo pa, matatrap na kita"

Doon na nangatong ang tuhod ko ng sobra.

"P-pwede ba wag kang magbiro!" Pinipilit kong tatagan ang boses ko kahit nanginginig na ang kalamnan ko.

Pano nalang kung matrap nga niya ko? Anong gagawin niya sakin!!!!??

"Thinking something huh" he playfully said.

Lumunok ako ng humakbang na naman siya.

"C-calixian" saway ko sa kanya. Nabubwesit ako sa uri ng tingin niya eh.

"I feel hot now, you want to go shower with me?"

Nanlaki ang mata ko.

Sinasabi na nga ba eh!

"BASTOS KA!!!" Sigaw ko sa kanya at hinanda ang bag ko para ibato sa kanya

"What?" Tumawa pa ang loko "I'm just asking you for a bath" aniya at ngumisi ulit "may iniisip ka no?"

"Huh"

"Aminin mo na kasi." Pangungulit niya.

"Anong iniisip? Wala akong iniisip no" Sabi ko

"Tsh. I know I'm hot, handsome, attractive or whatever you call that. Every woman desires me. Kahit nga siguro bata eh." Bulalas niya at lumapit sa akin

Napaigtad ako ng pinasadahan niya ng haplos ang bewang ko.

"Ano ba--

Natigilan ako ng marinig ang pagbukas ng pinto sa likod ko.

Lumingon ako sa likod at nakitang pintuan na pala yung nasa likuran ko kanina.

Kaya pala sinabi niyang matatrap niya na ko.

Naglakad si Calixian papasok sa kwarto niya na animong wala siyang kasama.

Nanatili lang ako sa labas ng pinto habang sinisilip ang loob ng kwarto niya.

Napaka manly ng kwarto niya. Kahit nasa labas palang ako ng pinto ay amoy na amoy ko na ang panlalaking amoy na lumulukob sa kwarto niya.

"Don't any plans to come in?" Biglang sumulpot si Calixian na may dala dala ng t-shirt at shorts.

"Uhhm--

"Your'e really scared huh? Don't worry, di kita type. Your not even sexy"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Agad akong sumulong papasok sa kwarto niya at hinampas siya gamit ang bag ko.

"Sabihin mo, di ka marunong maka appreciate ng ganda ng isang diyosa!" Singhal ko.

"Diyosa? Asan?" Maang maangan niya pa at tumingin sa paligid na parang may hinahanap.

Napailing ako at hinawakan ang magkabila niyang mukha at hinarap sa akin.

"Nandito lang ako. Kaya wag kang humanap ng iba dahil nandito lang ang isang diyosang kagaya ko na walang katulad" sambit ko pagka lingon niya sakin.

......................



Parang may dumaang mga anghel dahil bigla siyang natahimik ng dumapo ang paningin niya sa akin. Nakatitig lang siya at di kumukurap kahit ni isang beses.

Napangiti ako. Nalula na yata sa kagandahan ko tong loko na to

"Ngayon, alam mo na kung gaano ako kaganda noh?" Nakangisi kong sabi.

Bigla naman siyang natauhan at hinawakan ang kamay ko na nakahawak pa sa pisngi niya at inalis ang pagkakahawak nun.

"Who says your beautiful?" Asik niya at tinalikuran ako.

"Aba't! Kung maka deny parang di natulala ah" natatawa kong sabi at umupo sa sofa.

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto niya.

Grabe ang laki ng kwarto. Napakarami pang mga libro!

"May lovestory ka dito? Pahiram" Sabi ko at tutungo na sana sa bookshelf ng pigilan niya ko

"Wala kang makikitang lovestory Jan or novels. Walang kwentang mga libro yang binabasa mo. Lahat ng libro ko diyan mga may katuturan. At alam ko na kung kagaya mo man ang babasa ng mga libro diyan sa bookshelf, mabobored ka lang" mahabang sabi niya at tinalikuran ako.

Wow, yun na yun? Tatalikuran agad ako?

"Hoy, iiwan mo ko dito?" Sabi ko.

Lumingon siya sakin ng nakakunot ang noo.

"Bakit? Ayaw mo naman akong sabayan sa shower diba? Edi mag isa ka diyan" Sabi niya at pumasok sa shower.

"Bwesit na lalaki! Ano naman ang gagawin ko dito sa kwarto niya mag Isa?" Napakamot ako ng ulo

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon