Chapter 4

137 20 0
                                    



Andito na ako sa tapat ng bahay nila ate sela, nakabili naden ako ng pagkain.

Magd-doorbell na sana ako sa gate ng mapansin ko na parang di sya nakalock, kaya tinulak ko kung di nga nakalock. At di nga nakalock, hays mga ate talaga pagsila nanakawan kawawa sila lalo na't lasing na sila.

Pumasok na ako ng loob at nakita ko yung iba nakahilata sa sahig, si ate abby naman nakaupo sa sofa habang nanonood katabe nya si ate sela, pero yung gusto kong makita wala dito baka naman tulog na.

"Ate abby, ate sela  sorry ngayon lang po nakarating, late na po ba ako? mukhang lasing na po silang lahat e"

"Ok lang yun baby atlis nakarating ka pa den, tyaka yang mga yan nakatulog kakahintay sayo. Mga gutom pa kaya tinulog nalang nila" ste sela said.

"Sorry po" sabi ko habang nakayuko.

"Oh sige sige, gising ko lang tong mga toh" sabi ni ate abby kaya tumango ako.

Umupo naman ako sa sofa habang hinihintay matapos si ate sela sa paghahanda ng dalang kong food.

Ng matapos sya agad syang umupo sa tabe ko at yung ibang ate ko naman gising na papalapit na kung nasan yung pagkain.

"Aahhhm... ate sela asan po si gabrielle? diba dito den sya nakatira, or sa condo?" 

"Ahhh andon sya sa may kwarto nya, wala daw sya sa mood maginom ngayon sa susunod nalang daw. Hinayaan nalang namen kase baka pagod sa byahe" napatango nalang ako sa sinabe ni ate sela.

Nagsimula na ulet silang uminom syempre kasama na ako, alangan tumulala lang ako dito hanggang matapos sila, wala den si gabrielle kaya wala akong kausap.

"Hoy ubos na yung alak? nubayan bitin" sabi ni ate lara kaya binatukan sya ni ate brei.

Ubos na kase yung mga alak na kanina pa nasa table, pati yung dala ko na alak at beers.

"Ikaw napaka ano mo, nakalimang bote na tayo kanina tas yung dala ni coleen na alak kulang pa den sayo, lang lang?!" sabi ni ate brei, biglang tumango naman si ate lara bilang pagsagot sa tanong.

Jusq ate lara!

"Nako brei, dapat pagtumira kayo sa iisang bahay ang ipakain mo dyan kay lara alak" sabi naman ni ate alice, bigla syang binatukan ni ate sheki.

Natawa naman yung iba sa pinagsasabe nila ate.

"Tama na nga yan guys, magsi akyat na tayo yang mga jowa nyo alalayan nyo lasing na e" sabi ni ate belle sabay akay kay ate ecka. Muntik pa sila matumba lasing na den kase sya, pero nakaakyat paden si

nagsi akyatan na ang iba bali kaming dalawa nalang ni ate sela ang naiwan, tinulungan ko na sya magligpit kahit medjo lasing na ako. 

Ilang minuto ang lumipas natapos kame ni ate sela mag linis umupo muna kami sa sofa para uminom ng tubig.

"Ate sela... siguro dito nalang po ako sa sofa matutulog" sabi ko kaya muntik na nyang mabuga iniinom nya.

"What? baby sure kaba? dun kana lang sa kwarto ko matulog, or dun sa kwarto ni gabb, baka di ka makatulog ng maayos dyan" ate sela said pero umiling lang ako at ngumite.

"Yes ate sure ako dito na po ako. Tyaka ayaw ko mang istorbo sainyo, lalo na kay gabrielle, nakakahiya naman po" tumango nalang den si ate sela.

Wala na den naman sya magagawa mapilit talaga ako e hehe.

"Oh sige lipat ka nalang ng kwarto kung di ka makatulog dito ah?" 

"Opo ate sela, goodmornight po. Sige na po baka inaantay kana ni ate abby" 

Tumayo na si ate sela at naglakad na papunta sa kwarto nya.

Di ko na kayang tumayo kaya naman humiga na ako dito sa sofa, well malaki naman sofa nila ate kaya di ako mahuhulog dito di ren ako malikot matulog.

Ilang minuto di ko napansin na nakatulog na ako.




Gabb's POV

Nagising ako ng may marinig akong nagtatawanan sa baba.

Bababa na sana ako kaso, baka hindi pagkain ang mahawakan ko kundi alak, sabi ko kase kela ate pass muna pagod ako sa byahe.

kaya di nalang ako bumaba nagcellphone nalang di naren ako makatulog ingay den e, siguro antayin ko nalang sila umakyat mukhang patapos na den naman sila uminom, rinig ko pa reklamo ni ate lara.

Ilang minuto na paghihintay ko, may narinig akong yabag ng mga paa sa labas, for sure tapos na sila mga nag aakyatan na e. Rinig ko na may nagsasalita habang naglalakad.

"Ecka ano ba umayos ka nga baka malaglag tayo sa hagdan" ate belle.

"Hey ate abby, di mo manlang tinulungan sila ate sela magligpit" Frances.

Rinig kong sabe nila habang naglalakad papuntang guest rooms, hindi muna ako lumabas ng kwarto hinihintay ko si ate sela na umakyat, baka pagnakita ako non gising pa e batukan ako lalo na't alam kong lasing na den yun.

Lumipas ang ilang segundo ng makarinig na ako ng yabag. Alam kong si ate sela toh kase sabi ni frances si ate sela ang naglilgpit, ng makarinig ako ng pag lock ng pinto pumunta na ako sa harap ng pinto ko para makalabas na ako, kanina pa kase ako nagugutom di ako nakapagdinner e.

Naglalakad na ako pababa ng hagdan ng may mapansin akong nakatalukbong ng kumot sa may sofa.

Diko nalang pinansin yun dahil baka isa sa mga kasambahay lang namen yun at naglakad  na ako papuntang kitchen para kumuha ng pagkain sa ref, tinatamad den ako magluto tyaka baka marinig oh maamoy nila na may nagluluto.

Nang makakuha na akong pagkain ko pabalik na ako ng kwarto ko para dun nalang kumain.

Ng bigla akong may narinig na galaw... Hahakbang na sana ako ng hagdan ng magsalita ito.

"Hmmmm gabrielle hintayin moko makabalik dyan sa pilipinas, papakasalan kita pagnagkita ulet tayo HAHAHAHA" kaya napalingon ako kung saan nanggaling yung boses na yon.

Pagkalingon ko nakita ko si bans- coleen na natutulog.

Tsk, pano nakapunta itong babaeng toh dito, pagkakaalam ko ang mga ate at ate abby lang andito.

Baka pinapunta ni ate abby. 

Ang alam ko mga 11:00 pm sila nagstart naginom, so... madaling araw na pumunta dito itong babaeng toh? AWIT BUTI DI SYA NANAKAAWAN OR NARAPE NG MGA TAMBAY SA LABAS.

Naglakad ako papunta sa sofa kung san nakahiga si coleen, lumuhod ako para mapantayan ko ang pagkahiga nya.

"Baket dito ka natutulog? andame dame naming bakanteng room tas sa sofa ka hihiga" pabulong na sabi ko.

 baka marinig ako neto at magising mang asar pa. Tsk naiirata ako sa babaeng toh, pero baket ganon parang gumanda at naging cute ata sya lalo.Tyaka ngayon ko lang nakita ang mukha nya ng malapitan, para syang anghel, pero pag gising nakakairita sya makita. Ewan ko ba nakakairita talaga sya kase napakakulit at maingay nya, gaya ng kanina sa mall at van daldal ng daldal saken wala syang pake kahit na iniignore ko lang sya.

Siguro naman di to magigising mukhang lasing na lasing at mahimbing na ang tulog e. Kaya binuhat ko sya ng pa bridal style ng dahan dahan baka biglang dumilat at malaglag ko toh, de jok. Medjo naawa ako e kaya sa kwarto ko nalan sya patutulugin.

Words can't describe how much I Love You(UNICOCO)Where stories live. Discover now