Kabanata 9:

77 48 7
                                    


Sa dami ng pwedeng maging advicer ng section na kinabibilangan ko. Bakit kailangang ang balong tiyahin pa ni Rafael?. Bakit ko ba kasi nakalimutang guro din pala ito dito sa school?. Sana na ipagdasal kong huwag sana siya ang maging guro ko ngayong taon.

Naiiyak akong napatungo sa lamesa ng upuan ko. Akala ko mapupuntahan ko pa si Atlas kapag nahanap ko na ang section ko. Hindi pala dahil pagkakita ko sa section ko naroon na ang advicer namin na tiyahin nga ni Rafael. Hindi na kami nito pinalabas at hinihintay namin ang iba pang kabilang sa section ko ngayong taon.

Taga Dabbac ang tiyahin ni Rafael, dalawang barangay ang layo sa barangay namin. Doon ito na kapag-asawa at meron siyang kambal na anak na dalawang taon ang agwat ng edad kay Rafael. Dalawang taon na ang nakalipas ng mamatay ang asawa nitong pulis.

Ang sabi ni Rafael mabait ang tiyahin niya pero may mga naririnig na ako noon pa na napakasungit nitong guro. Mahilig raw itong magpahiya ng estudyante at magbigay ng mababang grades.

Kung minamalas ka nga naman. Adviser at unang subject pa namin sa umaga ang ituturo nito. Samakatuwid, hindi ako pwedeng mahuli sa klase at isa walang bahala ang subject niya. Ingles pa naman ang ituturo nito at pangalawa ito sa hindi ko gustong subject.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanan ko nang may kumalabit sa akin.

"Kumusta kayo ni Atlas?" pabulong nitong tanong.

Abala si Ma'am Lourdes sa pagtingin sa mga one fourth na papel kung saan namin isinulat ang mga pangalan namin.

"Going strong naman kami," sagot ko kay Naomi na kaklase ko at seatmate ko simula pa noong first year high school pa lang kami.

Impit naman itong tumawa. Inikutan ko lang ito ng mata saka ako umayos sa pagkakaupo. Bagot na bagot na ako at gusto ko ng masilayan ang gwapong mukha ni Atlas. Marami-rami na rin kami sa classroom, halos iyong mga kaklase ko lang din last year ang mga kaklase ko ngayon. Dalawang bagong mukha lang ang nadagdag.

"So, official na kayo ni Atlas," dagdag ni Naomi na may pagdududa sa tono nito.

Humalukipkip ako saka ako bumuntong-hininga. Nasa blackboard ang tingin ko.

"Noon pa man kami na ni Atlas, kasal na lang ang kulang," bagot kong sagot.

"Feeling," rinig kong sabi ni Karla na nasa harapan ko.

"Anong sabi mo!?" may kalakasang tanong ko.

Umayos lang ito ng upo pero nakita ko ang pag-irap ng mata nito. Da-dakmain ko sana ang buhok nitong maraming split ends nang hawakan ni Naomi ang kamay ko.

"Bitawan mo ako! Kakalbuhin ko ang inggiterang 'yan!," nanggigigil kong sabi.

Pero agad ring na wala ang gigil ko nang magsalita si Ma'am Lourdes.

"Ms. Malabanan, I won't tolerate that kind of attitude in my class." Napatingin ako sa harapan. Walang emosyong nakatingin sa akin si Ma'am Lourdes.

Tumawa rin ang ibang ka-klase ko.

"Dahil na naman kay Atlas 'yan. Mas gwapo naman ako kesa doon," komento naman ni Jake na katulad ko ring pasang awa lahat ng grades.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now