Chapter 11

2.3K 146 145
                                    

Chapter 11

"Scam ka! Sabi mo ayaw mo sa malapit at sa mas bata! Higit sa lahat, sabi mo ayaw mo kay Axasiel!"

Hindi pa nakuntento sa pagwawala si Harley at hinampas-hampas pa ako sa balikat. Napangiwi ako at nilingon siya. Kumakain siya ng ube pancake.

"Ano ba? Kitang may ginagawa, e."

Buti nga at free cut niya ngayon kaya kami ang magkasama. Ang kasama ko kasi madalas noong mga nakaraang linggo ay mga kaklase kong madali ko ring napakisamahan. Nga lang, mayamaya ay klase niya na rin agad habang ako, mahigit isang oras pa ang hihintayin para sa next subject.

Nandito kami sa Dagohoy para kumain pero ako, sinasabay na rin ang paggawa ng assignment sa UTS subject namin. Minor na feeling major.

"Ayan, sige, cram pa. Isang linggo na noong binigay 'yan, ngayon lang talaga ginawa kung kailan ipapasa na."

Kinuha ko ang cup ng fruit shake sa tabi ng laptop at sumimsim sa straw.

"Nakalimutan ko nga. Dami rin kayang nakalimot sa mga kaklase ko," dahilan ko bago muling ibinaba ang cup sa mesa. "Tanong mo pa sila."

Totoo naman ding nakalimutan ko. Kanina ko lang nabasa sa gc ng section namin na may assignment pala na ipapasa ngayon. But of course, even if I did remember few days ago, I'd still do it on the day of due. Procrastination is life.

"Babe, mukha ba akong magulang mo na madadaan sa ganyan? Na kapag sa exam at bagsak ka, sasabihin mo na sobrang hirap at lahat naman kayo mabababa ang score? Pati 'yong Top 1, gano'n?" She snorted.

"Totoo nga!"

"For sure, inuuna mo ang landi tapos ngayon lang nagsabi sa akin," naninisi pa niyang saad. "Kapag ganiyan kasing usapan, dapat updated ako. Aba, susuportahan naman kita!"

Tumawa ako sa sinabi niya at napailing.

"Hindi ako lumalandi, 'no. Naglaro lang talaga ako saka nagluto-luto. Alam mo na, practice." Sabay kibit ko ng balikat.

"Ibang laro at practice na yata 'yang sinasabi mo, babe."

I squashed my nose and stopped typing. Kinuha ko ang tinidor niya sa paper plate at humiwa sa ube pancake na kinakain niya. She was watching me intently with squinting eyes as I munched the food.

After swallowing the small slice, I rested my hand on her shoulder.

"Mas masarap talaga ang strawberry."

She swatted my arm which made me giggle.

"Harley, alam mo naman kung anong ginagawa ko kaya ako nagpo-procrastinate madalas, 'di ba? Isa pa, I only try to flirt when we're at a bar or club. Hindi sa school o sa bahay..."

That's what I just said and I knew she still didn't buy it. Umalis siyang nakausli ang nguso dala ang gamit at basura dahil ayaw ko raw mag-share pa ng tungkol kay Axe. I only mentioned about him just today 'cause I was sure she'd get frenzied and would only tease me.

Natural, sinabi ko sa kanya noon na wala akong balak pumagitan kina Axe at Ral tapos nalaman-laman niyang hinalikan ko 'yong bata noong bakasyon at ngayon ko lang sinabi. Though she knew that it was Axe who gave me the medicine, Pocky, and tissue last month when I had a cold.

A notification from Messenger popped out on the bottom right screen of my laptop. I switched the tab from Google to Messenger and checked the message from our group chat.

Bukod ang gc na 'yon sa main group chat ng BSHM 1-1D. They prefer to call it a squad's gc. Lima kami roon. Dalawa kami ni Steffy na babae at tatlong lalaki na may pusong babae.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon