Chapter 12

2.1K 128 138
                                    

Chapter 12

"Sabi CR lang. Bakit nagmamantika na 'yang labi niyo, mga bakla?" mahinang puna ni Mason kina Steffy at Seth habang paupo sa kanilang mga upuan.

I restrained myself from laughing because our professor was lecturing upfront. The five of us occupied the seats on the last row. Umupo sa kaliwa ko si Steffy at sumunod naman sa tabi niya si Seth.

"Bakas ng turon 'yan," tumatawang sambit ni Aaron. "Wala man lang ayuda diyan?"

Steffy was chuckling when she poked Seth's arm rapidly. Sumilip muna ang huli sa prof na wala namang pakialam sa amin at may dinukot sa kanyang bulsa.

"Kung makakalabit naman ang isang 'to. Fingerist ka? Maputol sana daliri mo."

"Gaga," tawa ni Steffy.

"Oh, mga tamad kayong bakla. Sabi kasing tara na sa baba, ayaw niyo pa!" gigil pero mahinang sabi ni Seth sabay lapag ng isang pack ng sampalok sa mesa ko.

Inagaw agad 'yon ni Aaron at binuksan para makakuha ng isa. Sampu ang laman ng isang pack na 'yon sa presyong dose lang. Sampalok o pastilyas ang madalas nilang bilhin sa ibaba kapag gusto ng kutkutin habang nasa klase.

"Ayaw nga namin sa bottom. Gusto namin sa top," ani Aaron na tumatawa.

"Ay, hindi. Flexible tayo, 'te. Baba o taas, go!" si Seth.

"Uy, wala ka ng Pocky?" tanong ni Steffy at kinuha ang box na nasa ibabaw lang din ng arm rest ko.

"Wala na siyang Pocky pero may puke pa siya," Mason said smoothly.

That earned a tee-hee from the four of us. Pati si Mason ay tumawa sa sariling sinabi habang binubuksan ang kinuhang sampalok. Napatingin sa direksyon namin ang prof kaya sabay-sabay kaming umayos ng upo at nagpigil na tumawa.

She'll probably spend all her time discussing some of ethical theories. Siyempre, gamit na gamit na naman ang pangalan ng SPA: Socrates, Plato, at Aristotle, kasama na ang tropa nilang sina Confucius, Immanuel Kant, St. Thomas Aquinas, at marami pang iba.

Humikab ako at isinandal ang ulo sa balikat ni Mason. Nakayuko siya habang abala sa phone na nasa ibabaw ng mga hita niya kaya nakisilip ako.

"Ay, may bebe naman pala," I whispered and chuckled upon seeing the nickname on his Messenger.

Bahagyang hinila niya ang buhok ko. Hindi ko naman binasa ang message, e. 'Yong pangalan lang talaga ang tiningnan ko.

Nagkaroon ng activity pagkatapos ng discussion. Pipili raw kami ng isang ethical theory na pinakagusto o pinakaumaangat sa iba para sa amin at ipapaliwanag kung bakit iyon ang napili namin.

Ako naman, ni-define ko lang kung ano ang Utilitarianism at may kasamang mema dahil sabog. Pampahaba rin 'yong defination, 'no. At least she knows that I understand what Utilitarianism is.

"CR muna tayo!" anyaya agad ni Steffy pagkalabas ng prof namin.

Kinuha ko ang phone sa bag para i-check kung may text o tawag. Mabuti nga at na-silent ko na iyon. My thumb swiped the screen to open it and quickly went to my inbox.

"Banyo Queen ka na talaga, bakla. Tuwing magsisimula at matatapos ng klase, banyo. Habang nasa klase, magbabanyo. 'Yong totoo? Ilang balde ba 'yang iniihi mo?" si Aaron.

"Tangek, 'di lang balde. Drum na iniihi niyan," ani Mason.

Seth laughed. "Next time magdadala na talaga ako ng arinola para sa 'yo."

"Oo, tapos ipapainom ko sa inyong tatlo!" Steffy rode with them.

Nagtawanan ang tatlong bading habang inaasar si Steffy. Hindi naman siya pikunin at madalas pang nakikisabay sa asaran. Kaya masaya kasama ang apat na 'to dahil kahit nag-aasaran, walang personalan at pikunan.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon