Chapter 16

2.2K 116 84
                                    

Chapter 16

Madaling sabihin na, "Mamaya na lang" o 'di kaya, "Bukas na lang." Mas mabilis nagagawa ang mga schoolworks kapag minamadali. Kapag malapit na ang pasahan. Nandiyan naman kasi si kumareng Google at iba pang website na makakatulong sa amin.

But the truth is, being a procrastinator is really hard. It's been a bad habit of mine ever since I stepped into my first year in junior high school. Putting all the work under pressure at the last minute still makes us feel anxiety, stress, and fear of failure.

Hindi naman ilang beses ko nang sinabihan ang sarili na, "Self, tigilan mo na mag-procrastinate kasi ikaw lang ang mahihirapan. That's not healthy for your body, mind, heart, and soul. Gawin mo na ang dapat gawin ngayon. Huwag mo nang ipagpabukas."

Isa pa 'yan. Ang dali lang din pagsabihan ang sarili pero ang hirap panindigan. Old habits, however good or toxic, are hard to break.

Kulang pa ba ako sa motivation sa pag-aaral kaya ko ginagawa 'to?

Bumuga ako ng hangin. Naramdaman ko ang tapik ni Harley sa aking balikat.

"Tapik na lang ang iaambag ko sa 'yo. Ilang beses ka na naming sinabihan na gawin muna 'yang mga schoolwork bago ang iba. Hindi ka talaga madala-dala."

"Babe, hindi lang naman siya 'yong subject namin. Imagine, every week siyang may pa-assignment?"

"One week naman ang deadline, ah? Subukan mo kayang maglagay ng sticky note sa harap ng monitor mo sa kuwarto tutal doon ka naman madalas nakatutok nang maalala mo ang gagawin?" she suggested.

"Kahit naman maalala ko, 'di ko rin magagawa agad."

Napailing siya at umirap. "Kung ganiyan lagi ang mindset mo, baka pati lamay mo, ma-delay."

"Hoy, grabe ka naman! Knock on wood!"

Tumawa siya at kumatok nga pero sa plastic naming upuan. Habang ang mga kaklase ko ay nasa labas at kumakain, heto ako at abala sa pagtapos ng schoolwork.

Nasa harapan ko si Harley at kumakain ng bulgogi rice. Dalawa ang binili niya para sa amin pero hindi ko pa nakakain ang sa akin dahil sa ginagawa. Katatapos ko lang din kasi ubusin ang isang box ng Pocky.

My fingers crawled slowly through my hair from the forehead. Natutuwa na 'ko sa mga discussion ng UTS subject namin pero hindi na ako natutuwa sa mga pinagagawa sa amin. Dalawang buwan na siyang ganito simula noong second week nang magsimula ang klase.

Nakakaiyak. Walang patawad kada linggo kahit um-absent siya dahil nagcha-chat naman sa gc na ginawa para sa subject niya. Ma'am, kailan ka po kaya tatamarin sa pagpapahirap sa amin?

Ikaw, Izzy? Kailan ka kaya gagawa at tatapos ng schoolwork na malayo pa sa deadline?

"Feeling major. Kairita. Etits ba 'yan para habulin namin lagi every week?"

"Bastos ka, kumakain ako!" singhal niya pero tumatawa bago inabot ang tubigan.

"Ang bastos, nakahubad. Nakahubad ba ako? Hindi. So, hindi ako bastos."

"Pinaglalaban mo diyan?" natatawa niyang tanong bago nginuso ang isang plastic kung nasaan ang pagkain ko. "Kumain ka na muna."

"I'm actually not hungry... tapusin ko muna 'to."

"Wow, Eria. Isusumbong talaga kita kay Tita Isha na nagpapalipas ka ng kain."

Pumikit ako, tumingala at itinatagilid ang ulo para mabawasan ang sakit sa leeg at batok.

"Magtali ka nga ng buhok. Hinahayaang humaba tapos hindi naman marunong magsuklay at magtali!"

I stuck out my tongue at her. "Don't utos utos me. Ang sakit na kasi ng anit ko dahil kanina pa nakatali. Maya na ulit."

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon