Chapter 17

1.9K 140 93
                                    

Chapter 17

"Bakla, 'yong kaibigan natin ngumingiti na habang naggigisa."

I hummed as I stirred the carrots and onions occasionally in the pot. Nang mag-brown na ang sibuyas ay saka ko inilagay ang bawang at ang seared beef chuck na ginawa nila kanina.

"Guys, may asin kayo? Pahingi naman kami kaunti. Nawawala 'yong binili namin sa plastic, e."

"Kaunti lang, e, bakit may hawak ka ng sandok? Anong lulutuin niyo? Sinabawang asin?"

Nakangiti kong nilingon ang mga kagrupong nanonood lang sa akin. Pare-pareho kaming nakasuot ng chef's uniform at naka-hairnet dahil required iyon sa kitchen lab namin. May mga naka-toque pa nga pero hindi ko na inabala ang sariling magsuot pa nito. Ayos na ako sa hairnet basta ay walang nakatakas na buhok.

"Where's the wine? Wala pa pala rito."

"A-ah! Ito... wait lang," ani Joanne at tumalikod sa amin para kunin ang kailangan ko.

Para sa activity ngayon, kailangan naming magluto ng French dish at beef bourguignon ang napili namin. It's basically a red wine beef stew. Sa mga French dish kasi, isa ang wine sa mga essential ingredient. Kaya naman hindi puwedeng mawala ang wine lalo na rito sa niluluto namin.

Although the wine has alcohol content, the alcohol evaporates once heated, leaving only the concentrated taste or flavor of the drink along with other ingredients. Kaya naman hindi na ito nakalalasing kapag kinain.

"Danica, tara dito," tawag ko sa isang kagrupo.

"Ano pong itutulong ko?"

Tinuruan ko siya ng mga dapat niyang gawin. Sa grupo kasi namin, hindi namin hinahayaan lalo na kami ni Steffy na hindi makasubok ang lahat sa pagluluto. Kaya nga group activity. Dapat lahat magpa-participate lalo na sa ganitong bagay.

Napansin ko kasi na silang tatlo ay parang nahihiya laging tumulong kahit pa halata sa kanila na gusto nilang subukan. Tingin siguro nila ay kaya na namin iyon nang kami lang. Yes, I know that we can do this on our own but it is important to let them experience and do the work themselves.

Hindi puwedeng puro kami lang dahil sa tingin nila, kami lang ang mas nakakaalam ng gagawin. No. Dapat lahat kami matuto. Kung hindi pa sila marunong o hindi alam ang gagawin, nasa likod naman nila kami para magturo. Kasi kapag actual nang nasa trabaho, hindi naman puwedeng nanonood ka lang sa head chef o sa sous chef.

Maliban kay Aaron na pagala-gala lang sa kabilang mga grupo o 'di kaya'y tamang ganda lang diyan sa tabi. Dora na, minsan model pa.

"Pour the wine, then the beef broth," I instructed her.

"Gaano po karami ang wine?"

Ito pa rin ang problema namin madalas sa grupo. The mise en place. Dapat nakahanda na kasi ang mga gagamitin namin mula sa ingredients at equipment bago pa man kami magsimula. We need to familiarize ourselves with the recipe, the timing, and the technique that we should use.

Minsan nakalabas lang 'yong ingredient pero hindi pa nagagawa ang dapat gawin doon. Magdadaldalan kasi muna bago trumabaho at nakikigulo pa sa ibang grupo. Minsan, nakakalimutan din.

"Kunin mo 'yong bote tapos maglagay ka lang. Puwede naman 'yang tantiyahin. Sabihin ko na lang kapag okay na."

This is our third laboratory activity, and needless to say, it costs us to create a hole in our pocket. Sa karneng baka pa lang, magkano na. Idagdag pa ang wine. The cheapest we could buy is the Carlo Rossi. Okay na 'yon. Merlot wine naman ang isa sa mga recommended na gamitin para sa dish na 'to.

Inabot kami ng mahigit dalawang oras sa pagluluto. Pinunasan ko ang gilid ng mukha at leeg gamit ang face towel na nakasampay sa batok ko bago naupo sa tabi ni Mason. Tinanggal ko na rin ang suot na apron at ipinatong sa mesa.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon