Chapter 28

1.4K 88 35
                                    

Chapter 28

I cried in Raghnall's arms the moment I got home after my exams today. Para akong batang nagsumbong sa kanya sa mga nangyari kanina. Hinayaan niya lang akong nakayakap at humihikbi sa kanyang dibdib hanggang sa tuluyan na akong kumalma.

After that, he checked my wounds and ordered food from Zark's Burgers to console me.

"Magpalit ka na muna ng damit, Ate..."

Nasa kuwarto niya pa rin ako at nasa kama. Nag-aaral pa siya kanina nang puntahan ko rito sa kuwarto niya pero dinaluhan niya agad ako. Nasa gilid na siya ng kama nakaupo pagkatapos um-order gamit ang sariling phone.

"I'm sorry for disturbing you, Ral." Umusog ako palapit sa kanya at muling yumakap sa kanya. "Love you, Ral."

He sighed heavily and put his hand again on my hair to caress. I felt him kissing the top of my head. Napangiti ako roon kahit wala na siyang sinabi.

Raghnall isn't a vocal person, but I can always feel he cares and loves us. He usually shows his affection through actions, which makes my heart flutter.

Simpleng yakap lang, hagod sa ulo, at halik sa noo, mararamdaman na ang pag-aalala, pag-aalaga, at pagmamahal sa kanya.

"Hanggang ngayong Biyernes na lang ang pasok niyo, hindi ba? May gusto ka bang puntahan during our semestral break?" tanong ko habang kumakain kami ng in-order niya.

Sinobrahan niya na ang binili para kina Mama at Papa. Sa ngayon, nandito pa rin kami sa kuwarto niya at nakabihis na rin ako ng pambahay. Naka-sweatpants ako para hindi makita ang mga sugat ko sa tuhod.

He opened his iPad so we could watch an anime movie. He doesn't like the idea of eating on his bed, but he'd always let me do that whenever I'm upset or sad means everything to me.

"Wala naman. Ikaw ba, Ate?" Lumingon siya sa akin.

Tumingin ako sa iPad niya, nag-iisip, bago kumuha ng fries at isinubo.

"I want to go to Tres Reyes Island in Marinduque."

Tumango siya. "Punta ka."

Bahagya ko siyang tinampal sa hita na hinaplos niya lang pagkatapos. Habang nanonood tuloy ay kinukuwento ko na sa kanya ang naisip kong itinerary kahit pa hindi naman sigurado kung makakapunta kami roon ngayong sem break.

I didn't tell our parents about what happened to me today. I know I'll receive an earful from them, especially from Mama, who dislikes the idea of me getting hurt and having scrapes or wounds. Si Papa, baka tawanan pa ako sa pagiging lampa pero pagagalitan din pagkatapos.

"Next week na pala sisimulan ang paggawa ng pool diyan sa likuran natin. Hindi ba ay dati mo pang gustong palagyan ng pool sa likod ng bahay natin. Izzy?" kuwento ni Mama habang nagdi-dinner kami.

I put the spoon and fork on my plate and swallowed my food. Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita.

"Really, Ma? But I thought you don't like having a pool at our house na?"

This house is not really our first and original house. May bahay kami noon sa Mandaluyong, higit na mas malaki talaga rito sa tinutuluyan namin ngayon. May balcony, patio, rooftop, at pool pa nga iyon noon kung saan ilang beses nadulas at muntik nabagok ang ulo ng kapatid ko dahil sa akin.

It was a few years ago when one of my friends from junior high caused a fire that led the whole house burning, turning it into a ruins. Sa amin naman ang lupa na naroon pero imbes na ipaayos ang bahay na sina Papa mismo ang nagpatayo, lumipat na lang muna kami rito.

"Naisip ko lang para hindi mo na ma-miss masyado ang dagat. You know, we can't always go to beaches whenever you want to. And... you can also invite again your friends here. Siyempre, magsabi ka lang din sa amin muna." She smiled.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon