Chapter 32

1.3K 73 64
                                    

TW: Self-harm.

Chapter 32

"1-D! Huwag kalimutan sa Monday ang deadline ng payment na 150 pesos para sa FSO, ha? Para sa Tuesday, bibili na sina Diego at Arnel ng tela sa... saan nga ulit kayo bibili? Sa Divisoria na, 'no, kasi mas mura?" sigaw ng treasurer namin habang hinahampas ang mesa sa harapan.

Uwian na namin at mabuti na lang ay hindi napansin ng prof namin na hindi ako naka-bar uniform. After apologizing to them, Mason let me borrow his jacket to hide my uniform. Especially on the part where I announced their relationship to everyone.

Wala silang sinasabi sa aming tatlo at hindi rin naman talaga ako sigurado roon sa relasyon nila. I just concluded that there was something in between them upon observing. Hindi ko naman inakala na totoo pala talaga lalo na nang aminin din nila sa amin kanina.

I didn't seriously expect that. Ang alam ko kasi ay may boyfriend si Mason noon pero ka-M.U lang daw pala. A few days after my birthday last August, doon nagsimula ang ugnayan sa pagitan nina Mason at Steffy.

"So, ano? Punta muna tayo sa condo ni Steffy bago mag-Milestone?" si Aaron.

Nasa likuran kami banda ng bar room at hindi pa lumalabas. Pinag-uusapan pa kasi nila ang inuman mamaya para sana sa selebrasyon ng pagkapanalo namin bilang 1st place ni Steffy sa UCC.

"Aga pa, e. Doon na lang muna tayo sa kanila. Mga anong oras ba tayo aalis?" Sabay tingin ni Seth kay Steffy.

"Sure kayong mag-Milestone pa? Puwede namang bili na lang kayong alak ta's sa condo ko na lang tayo?"

Tinanggal ko na ang suot na jacket bago iniabot iyon kay Mason at nagpasalamat.

"Last sem, lagi tayong nasa inyo! Aba, labas labas naman tayo at baka ito na ang huling inom natin ngayong taon!" Tumawa si Seth.

Sinapak siya ni Steffy sa braso habang tumatawa. Si Aaron naman ay nakangisi habang pabalik-balik ang tingin kina Steffy at Mason.

"Gusto lang niya sa condo para malapit sa kuwarto..."

Sinipa siya agad ni Mason sa gilid ng binti kaya humagalpak kaming tatlo sa tawa. Aaron kicked him back. Bago pa makaganti ulit si Mason kahit siya naman ang nagsimula ay pumunta na si Aaron sa likuran ko, hinahawakan ako sa braso bilang panangga.

"Subukan ko munang magpaalam kay Papa kung papayagan ako. Baka kasi hindi," sabi ko nang matapos sila sa harutan.

All of them turned to me with a stupefied expression. Nakaakbay na sa akin si Aaron kaya naman medyo nabibigatan ang balikat ko. Gayunpaman ay hinayaan ko na lang ito.

Alam naman nila na hindi na ganoon kahigpit ang mga magulang ko pagdating sa pagpunta ko sa bar. Minsan na lang din naman kasi ako pumupunta sa ganoong lugar at kapag walang pasok kinabukasan. Nagpapaalam pa rin naman ako at siguradong napapayagan din. Kaya ang sinasabi ko madalas sa kanila kapag may inuman, magpapaalam muna ako.

Pero kahit kailan ay hindi ko pa sinabi na baka hindi ako payagan—ngayon lang dahil grounded ako. Kaya siguro gulat na gulat sila.

I excused myself for a while to make a fake call to my parents and ask for permission. Mga ilang minuto lang bago ako pumasok sa loob ulit ng room. Tumigil sila sa pag-uusap at tumingin sa akin na halatang nag-e-expect na makakasama ako.

"Uh... sorry, guys. Hindi ako pinayagan, e. Bibisita raw si Dada sa bahay namin," I lied.

I felt terrible for using Dada! Pumikit ako saglit at napailing. I'll probably just visit him for real.

"Sinong Dada?"

"Lolo ko sa side ni Papa."

"Sayang naman," ani Steffy at bumuga ng hangin. "E, ano? Sunod na lang tayo nomi?"

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon