CHAPTER 14- Disobedience

17.1K 616 300
                                    

Photo above is not mine. Credits to the owner of the picture.

"Athena! Halika na! Takbo na tayo! Maiiwan na tayo ng eroplano!" Sigaw ni Chinee na nauuna na ngayon sa akin. Pagkababa na pagkababa ng sasakyan ko.

We only have at least thirty minutes left para makalusot na sa immigration at makapasok. Kanina pa tawag nang tawag sa amin si Professor Rodriguez dahil kami na lang ang wala sa boarding area. Lahat ng Student Leaders daw ay nandoon na.

Ngayon lang ako na-late sa flight paano ba naman kasi si Chinee, sa amin nag overnight at parehas kaming nagpuyat. Kaka snooze namin sa alarm, na-late tuloy kami ng gising.

Mabuti na lang at hindi mahaba ang pila sa immigration at agad din kaming dumiretso sa boarding area. We saw all the Student Leaders na nakapila na para makapasok sa eroplano at ini-scan na ang kanilang mga boarding pass.

"What the hell! Why are you girls so late?! Look at the time! Muntik na kayong maiwan ng eroplano!" Sigaw na bungad sa amin ni Professor Rodriguez.

Nakita ko naman si Stella na nakangiti lang sa amin. Nakapag-usap na kami bago mag sem break at sinabi ko na kinausap ko si Professor Rodriguez para makasama siya sa amin sa London. Puro siya pasasalamat sa akin noon at sinabi ko na lamang that it was Professor Rodriguez who made it possible.

Napakamot naman ng batok si Chinee dahil sa sigaw ni Professor Rodriguez while I am just smiling at her. Ang cute kasi niya magalit.

"You need to relax. We are here already!" I chuckled at her. Ang cute niya kahit para siyang Tigre ngayon.

"How can I relax if you won't be able to join us?!" Galit na angil sa akin ni Professor Rodriguez.

"Oh stop it, she's already here and besides hindi naman siya naiwan ng airplane." Napatingin kami kay Samantha who is smiling widely to me right now. Nilapitan niya ako at hinawakan ang braso ko.

Napatingin naman si Professor Rodriguez sa kamay ni Samantha na nakalingkis ngayon and rolled her eyes on us.

Samantha checked my boarding pass and she suddenly became sad. Why?

"Ang layo ng seat number mo.. hindi pa tayo same row." She pouted on me.

"Oh! Maybe katabi ko si Chinee."

I checked Chinee's boarding pass but still hindi pa rin kami magkatabi and she will sit sa same row with Samantha, Stella and Gustav. Ako lang ang napahiwalay sa kanila. Sino naman kaya ang katabi ko?

Pagkapasok namin ng airplane, hinanap ko ang seat number ko. My seat number is 22 A, while nasa 35th row sila Samantha, Chinee, Stella and Gustav. Ang layo!

Maganda ang seat ko because it has a leg room. Halos nakaupo na ang ibang Faculty members and Student Leaders.

I put my bag on the overhead bin and kinuha lang ang laptop ko just in case I get bored sa 18 hours flight. May connecting flight pa kami mamaya sa Dubai. It will take us 8 hours to Dubai then more than 9 hours from Dubai to London.

I've been to Dubai two years ago because of we had a show for the OFW's there but I didn't get to explore Dubai entirely.

Antok na antok ako kahit hindi pa man umaandar ang eroplano kaya naman I decided to take a nap. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon because it might be a stranger. Ang boring dahil wala akong kilala sa row na ito. Wala man lang ako kadaldalan.

Maya maya pa ay naramdaman kong nilagyan ako ng neck pillow ng ang akin katabi. How could I forget my neck pillow lalo pa sa 18 hours flight time?

Tinignan ko ang babaeng katabi ko and I was shocked that it is no other than Professor Rodriguez. She has color peach neck pillow while I have a pink one. She looks sleepy too.

Taming the Ice Cold Princess (ProfessorXStudent) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon