Chapter Thirteen

24K 1.6K 941
                                    

Chapter Thirteen

Ang weird ni Seb. Minsan iniisip ko kung ano ba ang tumatakbo sa utak ng isang 'yun. He always does the most unexpected things.

Like yung paghahatid niya sa akin. That was so out of nowhere. Tapos yung pag bibigay niya sa akin ng chocolate drink---which by the way ininom ko at narealize ko na mas masarap siya inumin kesa i-display. Then one moment, nang aasar siya, the next, biglang 'di namamansin at parang nag susuplado, tapos bigla ulit mang aasar.

Ibang klase rin ang mood swings ng isang 'yun, ha?

But I admit, hindi mawala sa isip ko yung expression ni Seb nung bago ako pumasok sa loob ng bahay namin.

When he grabbed my hand and called my name.

"Iris..."

It bothers me kasi parang may gusto siyang sabihin. At bigla akong may naalala. Hindi ito yung first time na tinignan niya ako nang ganun habang tinatawag ang pangalan ko.

Naalala ko yung orientation namin. Dahil new student ako, wala akong kakilala and kausap. Then all of a sudden, a voice from behind me called my name.

"Iris..."

Napalingon ako sa likuran ko and I saw Seb. I was confused back then kung paano niya nalaman ang pangalan ko, lalo na he's looking at me like he wants to tell me something.

But then it turns out, nakita niya pala name ko sa class list and ako lang ang hindi niya kakilala dahil nga transfer student ako. Nagpakilala lang siya sa akin nun and after that, hindi na niya ako pinansin.

Well, after that, kinakausap lang niya ako pag gusto niya akong yamutin.

Napa buntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan ko papasok ng school.

Buong weekend, iniisip ko si Seb at kung bakit ganyan siya. A part of me inis na inis kasi why does this guy bother me so much? On the other hand, I'm quite thankful dahil dinistract niya ako at hindi ko masyadong naisip si Harold.

Huminto yung bus na sinasakyan ko one block away from our school. Since liliko na ito sa kabilang side, bumaba na ako.

After I get off, nakita ko ang isang pamilyar na likod na naglalakad din papunta sa school.

It's Seb.

Napaisip ako kung tatawagin ko ba siya o hindi. Although binigyan niya ako ng choco drink nung last time na nagkita kami, ang sungit pa rin ng vibe niya nun. Hindi ko alam kung susungitan na naman niya ako out of nowhere or what.

Kaya hindi ko na lang siya tinawag.

Binagalan ko ang paglalakad ko to keep my distance from him. Pero dahil din doon, mas na observe ko siya from behind.

Matangkad din naman ang isang 'to. Well, Harold is a little bit taller than him, but still. He's lean, but quite lousy dahil sa way ng paglalakad niya na parang dinadrag niya ang mga hakbang niya papasok ng school. Ayan na naman din yung naka tuck out niyang polo. At nakatalikod siya sa akin pero alam kong ang gulo na naman ng buhok niya. Sa isang side, flat yung buhok niya, while yung isa tayu-tayo. Hindi ko alam kung tumitingin ba siya sa salamin bago pumasok?

Nakita kong nag unat si Seb. Mukhang antok na antok na naman ang isang 'to. Kahit nakatalikod siya sa akin, na-i-imagine ko na ang itsura niya at parang gusto ko na lang mapa facepalm.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon