Scarper House 2: The Reunion

1.3K 77 29
                                    

Scarper House 2: The Reunion



The other night was just a typical night.



I woke up sweating all over my body, gasping for air, fearing for my life. It was just a dream, I know, but it still scares me every time. It's been five years, but that day still haunts every bit of me.



I got up the bed and drank the glass of water that I always have on my bedside table. Hindi pa ako nangangalahati nang mag-ring ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang makita sa screen ang pangalan ng isang lumang group chat.



Class 12-A.



"Euna! Euna, help! Euna!"



I took a deep breath and tried to dismiss all the voices that suddenly echoed in my mind. With my shaking hand, I lifted my phone up and answered the video call.



"'Yon! Sumagot din!" I heard Brix's voice even before I could see them, medyo mabagal din kasi ang internet connection ko. I kinda expected that, actually, because he really is always the noisiest one when we were in high school.



"Euna, muntik na kaming mag-spirit of the glass para lang magparamdam ka," biro naman ni Vito. He was one of the campus crushes before pero sobrang kalog niya lang.



"Oo nga, girl! Miss ka na namin!" sabi naman ni Trina, ex ni Vito. Payat pa rin siya, tulad ng dati. Siya 'yong tipo ng tao na kain nang kain pero hindi tumataba. Paborito siya ni Lord.



"H-Hi..."



"Hi ka diyan!" Medyo lumayo si Dahlia sa camera para lang ipakita sa'min na nakapameywang siya. Siya ang pinakamalapit kong kaibigan noong high school. Lagi kaming magkasama dati, pero hindi siya exempted noong pinili kong magtago sa mundo. "Sumama ka bukas ha!"



"Bukas?" Napakunot ang noo ko. "Bakit? Ano'ng meron bukas?"



"Hindi ka ba nakatanggap ng ganitong invitation?" tanong ni Fleur, ang pinakabata sa'min, habang inilalapit sa camera ng cellphone niya ang isang kulay itim na sobre.



"Ah, yeah. I received a mail last Tuesday." Sandali akong tumagilid para kuhanin ang sobre sa drawer ng bedside table. "Para saan ba 'to?"



"Hindi mo pa binubuksan?" tanong ni Samuel, isa rin sa madalas kasama nina Vito at Brix sa kalokohan. "Friday na ah. Ilang araw na 'yan sa'yo."



"Tatlo." Ilang segundo kaming natahimik matapos 'yon sabihin ni Niall. May pagka-slow talaga siya kung minsan. Para siyang bata na inosente sa lahat ng bagay.



"Tanga, hindi ko naman tinatanong," sabi ni Samuel.



"Sabi mo ilang araw? Natanggap niya no'ng Tuesday, tapos Friday na ngayon, so three days," paliwanag pa ni Niall.



"Babe, buti na lang mahal kita," sabi ni Dahlia na medyo nakapagpalaki sa mga mata ko. Hindi ko alam na sila na, though tinutukso namin sila noon. Napuno rin ng kantyawan ang call.



"Just open the letter, Euna," biglang sabi ni Tate kaya natahimik kami. Siya ang pinakamatalino sa'min sa academics noon at siya ang pinakaseryosong tao na nakilala ko, kita pa nga sa screen na may hawak siyang makapal na libro. Mabait din naman siya.



I opened the envelope and took out the paper. Binasa ko ang mga nakasulat at unti-unting napakunot ang noo ko. "A vacation house?"



"Yeah, mukhang bigatin na ang nanay ni Lana at may bahay bakasyunan na sila," sabi ni Vito. Nahigit ko ang paghinga ko nang marinig ang pangalan ng nagmamay-ari sa isa sa mga boses na gabi-gabing gumigising sa'kin.



"She said she'll organize our reunion." Nagkibit-balikat si Fleur.



"Graduate na raw kasi tayong lahat ng college," dagdag naman ni Trina. "I think she's still grieving for her only daughter. Maybe she wants to remember Lana through us. Gusto niyang mag-celebrate kasi graduate na rin dapat si Lana ngayon."



"Hindi ko lang inakala talaga na may vacation house na sila," sabi ni Brix. "Si Lana ang nag-iisang scholar sa klase natin dati, 'di ba?"



"Iniimbita na nga tayo, jina-judge mo pa," pasaring ni Dahlia.



"Mrs. Lagdameo said she had everything settled," sabi ni Tate. "She said we don't have to worry about anything and just—"



"Hey, sorry. Just got off my flight."



"Tangina! Umuwi nga ang hayop!"



"Yayamanin talaga amputa! Paampon nga!"



Napuno ulit ng kantyawan ang call nang bigla siyang mag-join. Nakatitig lang ako sa nakangiti niyang mukha sa screen hanggang sa bigla siyang tumingin sa'kin. Kinabahan ako pero naalala kong call nga lang pala. Sa camera siya nakatingin, hindi sa'kin.



"Hi, Euna."



"Hi, Sync," halos ibulong ko. Natahimik din ang iba, para bang nakikiramdam.



"You coming tomorrow?"



"Ah, no." Hindi ko alam pero parang automatic na lumabas 'yon sa bibig ko. Para bang desidido naman akong sumama noong una pero biglang ayaw ko na dahil kasama pala siya.



"Ano ba 'yan! Ikaw lang ang hindi sasama sa'ting lahat!" reklamo ni Dahlia.



"Ilang taon ka na ngang 'di nagparamdam sa'min, Euna." Sumimangot din si Brix. "Ibigay mo na sa'min 'yong bukas."



"Sorry," mabilis kong sabi saka pinatay ang call.



It was like I was okay about going to the reunion until I saw his face. I remember scenes from that day every single night, but his eyes reminded me of the feeling. I felt terrified, for real. I felt helpless.



I can't come. I shouldn't. But why did I find myself in a car, the next day, on the way to Scarper House?



;


















Note:

Some of you requested for this, my best friend has been nagging me for this, and I'm really planning to write more of Scarper House naman talaga... so here it is.

Naghintay lang ako ng magti-trigger sa'kin, like how I wrote the first one, and I got it when I scanned the movies in my laptop and opened Escape Room (2019).  Kaso I have work and I use my short free times for my other ongoing stories and life hanash so I never really had the chance to start writing this one until last Friday night, tapos busy-busyhan din ako kahapon kaya ngayon ko lang naisulat ang last chap hahaha

Pero eto na talaga. Sampung chapters nanaman na hindi pinag-isipang mabuti at minadaling isulat para lang matapos na. Hirap na hirap nanaman tayo sa names jusq ang next instalment nito gawin na lang nating "Person A" at "Person B" ang characters char HAHAHAHA



Scarper House welcomes you back!

-scitusnim💚

Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon