Chapter 14

9.8K 458 416
                                    

Humikab ako habang inaayos ni Vale ang kaniyang mga papel. Our last exam for today is finished! Isang buwan na lang, tapos na 'tong short term namin.

I can't believe I'm making it to my third year.

"Sasama ka mamaya diba?" tanong ko kay Vale.

Kunot noo niya akong tinignan. "Ayaw."

"Sige na!" Ngumuso ako. "Hindi nga pwede pumunta si Lia kasi pinagbabawal siya ng mga kuya niya. Hindi naman daw malaking party! Just a few people."

Umiling pa rin siya. "I have plans with Nat."

Inirapan ko siya. "Edi isama mo!"

"Natalia? At a party?" Tumawa si Vale. "The last time that happened, things didn't go well."

I sighed. "Okay. Fine."

"Let me know if you need me to pick you up."

Ngumiti ako nang makita kong nag-aantay si Ezra, malapit sa fountain. I grinned at Vale and shook my head.

"Bye, bestie!" I gave Vale a hug and immediately ran towards Ezra. Malaki rin ang ngiti niya pagkakita niya sa akin.

"Hi, babi!" bati ko sa kaniya.

"Good day?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko.

I nodded. "Ang haba ng exam. Matagal ka bang nag-antay?"

Umiling siya. "Are you tired? We don't have to go.."

"Okay lang ako," I assured him.

Tumango siya. "Nandoon na sina Chino."

"Diretso na ba tayo doon?"

We started walking towards the parking area with our hands intertwined, pero bahagya niya akong hinila kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Ena.." He started. "Nandoon si Theo."

"And?"

"If you're not comfortable, then.. we don't have to go."

"It's fine with me." Nagkibit balikat ako. "Hindi ba nagpromise ka kay Apollo na pupunta ka? It's his birthday.."

He sighed and nodded. Mukhang nag-aalala siya, which I don't really get. I've seen Theo lots of times in their house parties.

Oh.

But this is the first time na.. kami nga talaga.

"It's fine." Inulit ko, kaya naman bahagya siyang ngumiti at tumango.

Dumiretso kami sa sasakyan ni Ezra at nakarating na rin kami doon sa head quarters nila pagka-lubog ng araw. Marami nang mga naka-park na sasakyan sa harap, at naka-bukas rin ang garage nila kaya kitang kita ang mga sasakyan na naka-park doon sa loob.

Once we went inside, marami nang mga tao doon, but lesser than usual. Hindi rin gano'n ka-ingay. I guess it's just for Apollo's birthday, and not a full-on party. Mukhang puro Alpha rin ang mga nandito.

"Uy, and'yan na sina Ez," sigaw ni Apollo. "Likayo!"

Marami na silang pulutan sa coffee table at mukhang hindi pa sila nagsisimulang uminom. A couple bottles of tequila were already ready, and shot glasses were still stacked up.

"Lagay mo na lang yang bag mo sa kwarto ko," Ezra said. "You forgot to leave it at the car?"

"Oo pala." Tumawa ako. "Saan kwarto mo?"

"Tara, I'll show you."

Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya paakyat ng hagdan. Malapit lang naman ang kwarto niya samay staircase kaya mabilis rin kaming nakarating doon.

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon