Chapter 15

9.9K 477 396
                                    

"Happy anniversary!" bati sa akin ni Ezra pagkalabas ko ng building namin. May dala dala pa talaga siyang mga rosas!

"Ezekiel Raia, sabihin mo nga ang totoo. May iba ka bang girlfriend na hindi ko alam?" Humalukipkip ako. "Anniversary ka jan! Wala pa nga tayong six months!"

Tumawa siya at tinanguan si Vale sa tabi ko. "Vale, flowers nga pala para sa'yo."

"Sweet mo talaga." Ngumiti si Vale habang nakapamulsa.

"Ang eepal niyo!" Tumawa ako at niyakap si Ezra. "Happy monthsary!"

"Ano ba 'to, gusto ko lang naman mag-lunch. Bakit may nagpapaalala sa akin na single ako?" Mapangasar na ngumiti si Olivia. "Vale, halika na, date mo ko."

Tumawa ako at kumaway sa dalawa. First semester na ng third year namin at sila pa rin ang mga kaklase ko. Mukhang pinapanindigan talaga ni Vale ang pagiging kaklase ko hanggang grumaduate kami.

"Happy fifth monthsary, babi!" Ngumisi si Ezra. "Saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan."

"Inuman 'yun, babe, eh."

Tumawa ako at siniko siya. "Anywhere nga!"

"Sige. Sa canteen."

"Sige." Tumango ako, sumasabay sa pang-asar niya.

"Saan kasi?" Tumawa siya at inakbayan ako. "Gusto mo bang kumain sa SM?"

"Mamaya na lang, after class. Isang oras lang break ko, eh." I said as we walked down the stairs of the main gate.

"Sa McDo," he suggested.

Tumango naman ako, kaya tumawid kami agad para makapuntang McDo.

We ordered our usual meals, at mukhang pinagtitignan kami dahil sa rosas na dala dala ko. Eh baket ba, may boyfriend ako eh! Sana kayo rin hmp.

October na ngayon, at parang ang bilis nga ng panahon. Limang buwan na pala ang nakalipas na boyfriend ko 'to?!

"Pst," tawag ko sa kaniya, kaya naman inangat niya yung ulo niya para tignan ako.

Ngumisi ako at tinuro ang noo ko. He rolled his eyes and laughed, but kissed me on my forehead anyway. Mas lumaki tuloy ang ngiti ko.

"PDA mo talaga, Eloise."

"Nakuha ko lang 'yon sa'yo, Raia." I playfully rolled my eyes. "Hanggang anong oras klase mo?"

"4.. ikaw ba?"

"5:30." Sumimangot ako. "Sorry."

"Okay lang, wait na lang kita." He smiled and pinched my cheeks.

Ramdam ko talaga na tumataba ako dahil sa kaniya. Palagi na lang kami kain nang kain, eh. Ako tumataba, samantalang siya, hindi nagbabago ang katawan. Paano kaya 'yon fair?!

Bumalik rin agad kaming dalawa sa campus at hinatid niya ako sa classroom. Nandoon na sina Vale kaya kinawayan niya ang mga kaibigan ko bago siya umalis.

I sat beside the two of them and waited for our professor. Buong hapon, sinubukan ko talagang mag-focus sa klase dahil pinipitik ni Vale ang ulo ko pag napapapikit ako.

"Ano ba 'yan, may quiz nanaman next meeting?" bulong ko kay Vale. "Kaka-quiz lang natin kanina, eh."

"Marinig ka ni Ma'am, papagalitan ka nanaman." Humagikgik si Olivia sa tabi ko. "Sana palabasin ka. Bilhan mo ko napkin."

"Magdidismissal na nga, eh." Tumawa ako.

Siniko ako ni Vale, kaya naman tumahimik na ako. Nag-final announcements si Ma'am bago kami tuluyang i-dismiss. Tamad akong nag-ayos ng mga gamit, pero ginanahan naman ako nang makita kong nag-aantay na pala sa labas si Ezra.

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon