30

372 21 3
                                    

"hi celine.." Jungwon just arrived at sakto ding kakatapos lang ni celine na mag ayos .

Ngumiti naman agad ang dalaga nang makita nya si Jungwon .. she just waved hello to him .

" so , shall we ?" tanong nya dito at tumango din naman si Celine na parang nahihiya

"You look pretty tonight babe " sabi ni jungwon kaya napatakip lang ito ng mukha nya dahil sa kilig at hiya

Inalis naman ni Jungwon ang mga kamay nito at tinitigan sya

" No , don't hide your face .. don't be shy " sweet na sabi nito kaya naman lalong namula si Celine ..

'stop ! You're being too dangerous for my heart !' sigaw ni Celine sa isipan nya

" ahh hehe okay ?" Ito lang ang nasabi nya dahil ang awkward lang sa part nya .. di nya kinakaya ang pagiging sweet ng binata sa kanya . Hindi lang talaga sya sanay ..

" Let's go " he told her then grabbed again her hand to lead her the way out

^

After good 20 mins of silence , nakarating sila sa isang restaurant ..

"Good evening .. Do you have reservations sir ?" Tanong ng receptionist kay jungwon habang hawak parin ang kamay ni Celine

Tumango naman si Jungwon " Yes , under the name of Yang Jungwon " sagot nito ang napangiti ang receptionist sa kanya habang chine-check ang pangalan nito

Di naman maiwasan na mapaangat ang kilay ni Celine dahil sa nakita nya . Pangiti ngiti pa kase yung babae tsaka di mawala ang tingin kay Jungwon tas ngumingiti din pabalik si jungwon .. parang mga tanga lang .

Napatingin naman si Jungwon kay celine at napansin nyang nakakunot ang noo nito na parang may binubulong habang nakatingin ng masama sa receptionist .. Kaya napangiti sya dahil alam nyang nagseselos ito

Hinigpitan nito ang hawak sa dalaga at inangat ang kamay nito bago ito hinalikan . Nagulat naman si Celine sa ginawa nya

Nakita naman ito ng receptionist at napabuntong hininga lang ito tsaka nakabusangot na tumingin sa kanilang dalawa bago magsalita

" Alright , this way sir " she leads the way to a secluded part of the restaurant .

Sinadya talaga ni jungwon to para ma solo nya si Celine . At ayaw nyang may makakitang ibang lalaki sa date nya .

Nang matapos silang umorder ay pansamantalang  nag cellphone muna si Jungwon para mag check ng iba pang lugar na pwede nilang mapuntahan after nilang kumain .

" Umm , babe .. gusto mo bang pumunta sa park after nito ? Or anything you suggest ?" Tanong ni Jungwon ng malaman nyang may park pala malapit sa restaurant

" Okay .. kahit saan basta kasama ka " sagot nito kaya di naman mapigilan ni Jungwon na mapangiti .. at naisipan nyang biruin ito

" oh , kahit saan ba ? eh kung ayain kita sa-" di na nya ito natapos ng hampasin ni Celine ang kamay nitong nasa mesa

" Kung ano man yang sasabihin mo , wag mo nang ituloy Yang Jungwon " slightly irritated , she just glared at him

" joke lang .. eto naman "

Magsasalita pa sana si Jungwon ng dumating na ang inorder nilang pagkain

Di na nagsalita si Celine at kumain nalang dahil alam naman nyang walang kwenta na naman sasabihin ng kasama nya

" Huy , magsalita ka naman " sabi ni Jungwon dahil di naman kumikibo ang dalaga

" Gutom ako Jungwon , mamaya nalang .. promise mag chi-chika ako sayo , kumalma ka lang "

" Okay ? " Sagot lang nito at patuloy na kumain

Matapos ang 15 minutes , natapos na si Celine at hinihintay nalang nyang matapos si Jungwon ..

" I'm done , now let me take you to the park " biglang sabi ni jungwon at tumayo pero tiningnan lang sya ni Celine

" Magpahinga ka muna , andami mong kinain tas maglalakad ka na naman ? Di tayo nagmamadali wonie " napatawa naman si jungwon sa sinabi nito saka umupo ulit

Nagkwentuhan lang sila ng kung ano ano sa loob ng sampung minuto bago nila napadesisyunang umalis na

^

" Wonie  , magkwento ka naman about your childhood " sabi ni Celine habang nakasandal sa bench

" Hmm , parang wala namang entertaining na nangyari sakin noon maliban lang sa taekwondo trainings ko " sagot nito

" Ganun ba ? Edi magkwento ka nalang about taekwondo .. " suhestyon nito para lang magka topic sila ..

Napaisip naman si Jungwon pero nakangiti sya habang ginagawa ito . Naeexcite sya kapag napag uusapan ang hobby nya dati

" Ah ! Nag start akong mag training nung mga seven years old ako kase sabi ng ibang mga bata ang lampa ko daw "

Naalala pa nya nung tuksuhin sya ng mga kaklase nya or ng ibang mga bata na para daw syang babae or di kaya ang lamya nya .. tinutukak tulak pa sya o di kaya pinapatid ng mga batang naiinis sa kanya .

Oo , binubully sya .. pero wala syang magawa kundi ang umiyak .. wala eh , takot syang lumaban .

" Kaya nag sign up si mama for a taekwondo training for me .. at first di ko yun gusto kasi una , di ako mahilig sa ganun at pangalawa takot ako " dugtong pa nya at tumango lang si celine na halatang nakikinig sa kanya

Inakbayan naman nya ang dalaga at hindi naman ito umiwas pa .. sa halip ay isinandal pa nito ang ulo nya sa balikat ni jungwon kaya napangiti na naman si Jungwon

" pero nagbago ang isip ko ng may lumapit sa akin na bata at ngumiti sya sakin , mukhang mas bata sya sakin .. nagtaka pa ako nung una kase di lahat ng bata friendly sakin kaya kumunot ang noo ko nung lumapit sya sakin .. tas sabi nya , hi .. sabay na tayong mag training ! "

" Ahh so sya ang naging dahilan kung bakit ka pumayag ? Ang cute naman " sabi ni celine habang nilalaro ang kanang kamay ni jungwon

" Siguro ? Kase nga ang bait nya sakin .. nakangiti sya everytime na nag uusap kami tsaka di nya ako inaaway .. parang naging mag best friends kami hanggang sa maka graduate kami ng elementary "

" Wow cool , what's his name ?" Curious na tanong ni Celine

" Oh , she's a girl .. and her name is Zia , Han Zia"

Pagkarinig nun ay nagulat naman si Celine . Nagulat sya kasi kilala nya kung sino yun .

Sya lang naman ang anak ng mama nya sa ibang lalaki .. Yung mas pinili ng mama nya


It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon