Chapter 25

433 15 0
                                    

"kumusta naman doon sa France?" Panimula ko

"Well, okay naman. Maayos naman ang buhay ko doon. I make new friends there but wala paring makakapantay sa piling ng nasa sarili kang bansa." Kyrix.

"Tama nga naman." Sabi ko.

"Yung mga kaibigan mo baka gutom na yun. Let's have snack?" Aya niya.

"Sige, tatawagin ko lang sila sandali" Sabi ko.

Tumango lang siya.

"Mag snack daw tayo" diretsang sabi ko sa kanila.

"Snack? Tara, gutom na rin ako" Sabi ni Cassie at isinabit ang kamay niya sa braso ko.

"Yung dalawa tawagin mo" bulong ko sa kanya.

"Mga bruha, halina kayo. Snack daw tayo" Sabi niya sa dalawa.

"Okay" Elliana.

"Uy, siya pala yung crush mo no---

"Ano ba baka marinig ka" bulong ko kay Cassie.

"Sorry naman. Di ko naman alam na umalis pala yung crush mo bago kami nag transfer sa school natin noon diba? Kaya pala di ko siya nakilala" Ani Cassie.

"Hmm, nakilala mo na ngayon. Anong sa palagay mo? Your impression?" Sabi ko.

"Mukha namang mabait, gwapo, at attractive talagang maaakit ang mga kababaehan sa kagwapohan niya. Pati nga si Felishia diba?" Aniya at kinurot ang tagiliran ko.

"Uy ano ba yan bat ka nangungurot?" Reklamo ko.

"Naka move on ka na diyan?" Cassie.

"Oo" sagot ko.

"I crush mo ulit! Baka ngayon may pag asa ka na" panunukso niya

"Alam mo ikaw, para kang bata. Tigilan mo nga ko. Oo na miss ko yung ngiti nung Kyrix na yun kasi nga siya yung Isa sa inspirasyon ko noon. Pero yung crush na yan. Tss di nako bata Cassie my god!" Umiiling kong sabi.

"Duh. Pwede parin naman ah. Kung makapagsalita to parang manang na eh." Cassie.

"Tara na. Wag na kayong mag away diyan" Ani Laurine.

-----

"Ang ganda naman ng restaurant na to" bulalas ni Laurine ng maka pasok kami sa restaurant na napili ni kyrix.

"Mabuti naman at nagustuhan niyo. Dito kase kami tumatambay ng mga kaibigan ko noon. Kaso di na kami masyadong close nung highschool kaya ako nalang mag Isa ang pumupunta dito" kwento niya.

"Ang sad naman nun. Pero may connection pa kayong magkakaibigan?" Elliana.

"Yes, through chat nalang pero mga loko mag Cha-chat lang pag bored" umiiling niyang sabi.

Napatango nalang kami.

"Dito nalang tayo" aniya. Tumango kami at nagsi-upo na.

"Mag lunch nalang tayo? Parang alanganin na kasi ang snack eh it's almost 12" Kyrix.

"Sure" Sabi namin.

"Sige tatawag lang ako ng waiter" Kyrix.

"Work ko na naman tomorrow, di na naman tayo magkikita" nakasimangot na sabi ni Laurine.

"Ako nga rin eh, balik na naman sa office. Nakaka stress pa naman dun" Elliana.

"Buti nga to si Felishia eh nasa bahay lang free palagi. Ang sarap ng buhay ng anak ng mayaman ano?" Napailing ako sa sinabi ni Elliana.

"Alam mo, kahit nasa bahay lang ako di ako natutuwa dun no, syempre gusto ko rin magtrabaho. Di lang talaga ako pinapayagan nila mommy." Sabi ko

"Eh buti nga to si Cassie pa chill chill lang. Music industry eh" laurine.

"Duh, anong chill ka diyan? Nakaka stress din kaya gumawa ng music. Naubos brain cells ko noh" Cassie.

Tumawa nalang ako. Gusto ko talaga magtrabaho. Gusto ko maranasan ang naranasan nila na naghihirap, na sumasakit ang ulo dahil sa work pero ayaw ako payagan nila dad. Kaya wala akong choice kundi mag stay nalang sa house.

"What's your order sir, ma'am?" Tanong nung waiter.

Ayun, nag order na kami saka hinintay ang mga inorder namin.

"So, anong trabaho mo ngayon?" Tanong ko kay Kyrix.

"Me? I'm a doctor now" nakangiting sabi niya.

Tinuloy niya pala. Noon pa niya pangarap maging doctor buti naman at di niya sinuko yun.

"Congrats doc" Sabi ko na ikinatawa niya.

"Di ako sanay ah hahaha" tumawa kaming lahat dahil dun.

"But kailangan magsanay ka na. Ilang years ka na bang doctor" Laurine

"3 months palang" he said.

"Ahh kaya pala mahiyain pa masyado." Tango tangong sabi ni Cassie

"Yeah" kyrix

"The food is here!" Tili ni Elliana.

"Let's eat!" Cassie.

Nagsimula na rin akong kumain.

Maya maya pa.

*Kringg* *Kringg*

"Luh kanino yun?" Cassie.

Sinubo ko muna ang nasa kutsara ko at kinapa ang bag ko.

"Sakin pala" Sabi ko.

Agad ko yun kinuha at tinignan kung sino ang tumawag. 

Unknown number

Sino to?

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon