-018-

282 16 0
                                    

-toni pov-

"what are you doing here?" kinunutan ko sya ng noo, noong makalapit ako sa kanya

"your book" inabot nya sa akin yung libro ko kahapon na binato ko sa kanya.

"pumunta ka dito para lang sa libro na 'to?" ampotek ang init-init kaya kasi lunch break na.

"para na din makita ka, may problema ba yun?" ang corny ng ugok.

"masaya ka na nabubully mo na naman ako, umalis ka na nga" i gesture my hand na pinapaalis sya. maissue pa ako sa lalaking 'to, ew kadiri.

"anong oras ng out mo?" lalong kumunot ang noo ko, ang init na nga dito lalo pa pinaiinit ang ulo ko nitong asungot na 'to.

"bakit ko naman sasabihin sayo?" mataray na saad ko sa kanya, hindi ba nya alam na naiirita na ako?

"susunduin kita"  nakangising saad nya, yung mga ngiti nya parang ilang beses na syang ngumingiti sa mga babae, jusko.

"ayoko nga, umalis ka na nga" tinulak ko ang dibdib nya pero natawa lang ulit sya.

"lunch na lang tayo" napapikit ako ng madiin sa sobrang kakulitan nya.

"bakit ba kinukulit mo ako? pwede namang iba na lang! we aren't close nga eh!" iritang saad ko ulit sa kanya, inayos nya ang pagkakadala ng bag nya bago ako tinignan ulit.

"ikaw gusto ko eh" ang sarap sakmalin ng mukha jusko lord, ilayo nyo naman po sa akin ang asungot na 'to.

"ano? natahimik ka no" tumawa sya at itinuro pa ang mukha ko.

"alam mo umalis ka na, ang init-init pinaiinit mo lalo ang ulo ko" ginulo ko ang buhok ko sa inis. pwede ko naman syang iwan dito mag-isa pero ayaw ko din naman maging rude.

"ano oras ng out mo or lunch together?" aba binigayan pa ako ng choices, ayoko naman parehas.

"wala, iniintay na ako ng kaibigan ko sa loob" tatalikod na sana ako kaso hinila nya ang wrist ko kaya muli akong napaharap sa kanya.

agad din nya akong binitawan na para bang nakuryente sya or something sa balat ko kaya napakunot na naman ang noo ko.

"here, pawisan ka na. i'll just see you later" i don't have the plan to accept his handkerchief pero bastos nyang mahinang hinagis sa akin kaya sinalo ko agad.

"wag ka na magpapakita, tukmol ka" saad ko nang makatalikod sya

"di mo sure madam, bye"

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon