🍯35

55 5 4
                                    

"Ayieee!" Asar naman nina Sunoo at Sunghoon.

"Sige sayo na." Binitawan ko na yung manok pagkasabi ko.

"No it's fine." Sabay bitaw rin ng manok.

Nakita ko namang kinuha ni Jake yung manok at nilagay sa plato ko. "Here." Kumuha rin siya ng isa pang manok na Thigh part rin at nilagay sa plato niya.

"Ang daya mo!" Sabi ni Jay.

"Love you mate." Asar pa ni Jake kay Jay sabay taas pa ng kilay. Lintek ang pogi talaga. Pero ang cute ng itsura ni Jay. Galit yarn?

"Hoy mga bata, Kumain na lang kayo." Sabi ni Heeseung na parang tatay na nagsasandok ng kanin sa mga anak niya este him being big brother to his dongsaengs.

Dongsaeng = Younger Sibling

"Guys, anong oras pala kayo aalis bukas?" Panimula ko ng tanong.

"Around 7am. May shoot and recording kami bukas eh. Waeyo?" Sagot ni Sunghoon.

"Sige aagahan ko bukas. Ipagluluto ko kayo ng breakfast."

"Yeheey!" Parang mga bata nilang sabi. Ang cute lang.

"Oh siya bilisan na natin para makapagpahinga na tayong lahat." Seryosong sabi ni Jay na medyo may laman pa ang bibig.

As usual natapos na kaming kumain at hinatid ako ni Jake sa baba. Nagiging habit na niya iyan.

"Goodnight Honey." He said while raiaing his brow a bit. Ang cute niya aak.

"Goodnight Jake. Sweetdreams!" I answered with a smile at pumasok sa bahay.

Naglinis lang ako ng bahay at katawan at saka humiga. Nag alarm rin ako ng mas maaga.

Gumising ako ng 4:30am at naligo. Kumain rin ako ng biscuit para paano may laman yung tyan ko ng kaunti. Around 5 am na akong pumanik sa kanila. Mage-eksperimento pa ako paano gawin ung Bungeoppang na paborito ni Ni-Ki.

Nagsearch lang ako sa youtube kung paano gawin. Madali lang parang pancake lang. Buti na lang rin may pan sila rito. Okay na sana eh kaso matagal gawin ito for sure. Itatry kong gumawa ng three flavors ng fillings. Original, Mozzarella Cheese and Cholate.

"Good morning!" Bungad na bati ni Jay na unang nagising sa kanila. Leche ang pogi ng bwiset na ito kahit mukha siyang sabog ng slight.

"Good morning. Gusto mo ng kape?" Alok ko dito habang hinahalo ang ginawa kong batter.

"I'm fine. Need help?" Tanong nito at lumapit sa akin.

"Ayos lang." Sagot ko sabay kuha ng pan at nilagyan ng oil. Tinikman niya ng daliri yung batter sabay lagay lagay nito sa pan. "Hoy ako na diyan."

"I'll help you. Ngayon lang ito dahil mukhang ngayon mo lang rin gagawin ito. Wala nang next time ito haha." Nakuha pa niyang magbiro sabay takip ng pan. Ang ganda siguro ng tulog nito. Mukhang maganda ngiti eh.

"Sana lagi kang bagong gising." Panimula ko sabay kuha ng baso ng tubig at iniabot sa kanya. "Parang good mood ka today eh. Siguro hindi ka binangungot? Haha." pagbibiro ko rin pabalik.

"Kinda. By the way Please make me two cups of coffee and pakibantayan ang bungeoppang. May kukunin lang ako saglit." Sabi nito sabay pasok ng kwarto. Himala, ang lumanay niya mang utos.

Natapos na ang tatlong minuto and flinip ko na yung pan, nakapag timpla na rin ako ng kape. Bumalik naman si Jay na may towel nakasabit sa balikat niya at may suot na ring specs na mukhang mataas ang grado.

Pagkabalik niya ay tapos na yung first batch ng bungeoppang at tinulungan ko siyang maglagay ulit ng batter for second batch.

"Eto na pala yung coffee. Sorry I don't know your taste kaya ikaw na lang mag adjust. Hehe." tinignan niya naman ako with his blank expression. "Anyways, ikaw pa lang yung gising sa grupo niyo pero bakit dalawang kape na agad yung ipinatimpla mo sa akin? Para kanino yung isa?"

Hinalo niya saglit yung kape at simimsim bago sumagot sa akin.

"For You."

= ♡ =

Annyeong guys! First day na ng june So eto buhay pa naman ako pero ngayon lang ulit nakapag update. Hindi ko mabuksan ung una kong draft kaya kinailangan kong irewrite ulit itong part na ito iyak huhu. Sorry kung natagalan yung update. Hope u understand.

Happy Reading, Keep safe and luv u gaiss!

-Jyn ♡

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon