Kabanata 6

19.8K 786 114
                                    

Kabanata 6

Call Me

Ilang linggo nagpatuloy ang pagpunta niya sa ilog. Apat na beses sa isang linggo siya minsan na nakakapunta. Payapa ang mga nakalipas na mga araw ko dahil patuloy ang pagdating ng mga ideya ko sa pagpipinta.

Matagal akong nagising kanina kaya hindi ko naihatid ang natapos na gawa noong nakalipas na araw. Kumuha na lang ako ng isang canvas at ipininta ang nakikita sa harapan.

Napinta ko na ang ilog at ang gubat noon pero iba ang kulay na gagamitin ko ngayon. Sinikop ko ang buhok sa gitna ng pagpinta dahil humaharang na iyon sa mukha ko.

"You do painting?"

Napaigtad ako dahil sa isang boses na nasa likuran. Mabilis akong tumingala at agad sinalubong ng nakayukong mukha ni Señorito Dean. Nakatingin siya sa canvas na nasa harapan ko.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ngayon na nandito siya.

"Just continue what you're doing," he said, like he has an idea that I'm going to stop.

Kahit nahihiya, ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Nananatili siyang nasa likuran ko at pinapanood ang ginagawa ko. Muntik pa akong magkamali sa paghahalo ng kulay.

Ilang sandali lang, bumalik ang atensyon ko sa pagpipinta. Muntik pa na makalimutan na may nanonood sa akin. Kinagat ko ang labi at sinimulang ipinta ang ilog.

Nilingon ko siya at tiningala nang hindi na kinaya. Lumipat ang tingin niya sa akin mula sa canvas.

"Hindi ka ba maliligo sa ilog?"

"No, why?"

Nag-iwas ako ng tingin at pinili muling humarap sa canvas.

"Anong ginagawa mo dito kung ganoon?" mahinang tanong ko.

"I'm bored,"

Hindi ako nagsalita, hindi naniniwala. Sa dami mong gagawin sa planta, imposibleng bored ka.

"Wala bang ginagawa sa planta?"

Matagal bago siya nakasagot. "Yes," he answered weakly.

"Wala si Señorito Declan, walang ibang mamumuno roon." wala sa sariling sabi ko.

"How did you know that?" he sounds serious.

Tumigil ako sa pagpinta at muling naglagay ng acrylic sa lalagyanan ng pintura.

"Narinig ko sa lungsod,"

"How did you know my brother?" he asked again, as if I did misinterpret his first question.

"Imposible na hindi ko siya kilala,"

"Really?" he scoffed.

Napatingin ako sa kanya at nadatnan siyang nakapameywang. Malayo na ang kanyang tingin, tila may iniisip na ngayong problema.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tahimik na ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko na maayos na mahawakan ang brush dahil sa kakulangan ng focus.

Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa lungsod. Hinatid ko lang ang painting sa shop bago naglakad muli papasok ng gubat.

Nasa gitna ako ng paglalakad nang ibinaba ko ng kaunti ang balabal. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa gilid ng noo ko. Mabilis ko ring ibinalik pagkatapos.

Malapit na ako sa planta nang napatigil ako dahil sa grupo ng mga trabahanteng nasa labas. Kung magpapatuloy ako sa paglalakad, siguradong makikita nila ako. Bumagal ang lakad ko hanggang sa tumigil na. Biglang dumalaw ang kaba sa dibdib ko.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon