Chapter 34

13K 392 124
                                    

Chapter 34

"He bought groceries, brought the kids to school, and yesterday, cooked you dinner?" Dumampot si Georgina ng nachos at pumasada ang dila sa ibabang labi dahil sa bahid ng dip doon. Patuloy siya sa pagnguya, pinapanood ako.

Tumango ako. Katatapos ko lang ikuwento sa kanila ang mga nangyari sa nagdaang mga araw. Ipinatong ni Phoebe ang braso sa balikat ko, ngumisi siya.

"3-2," she said. "Paano ba 'yan, Georgie? Lumalamang na si Rogue."

Pumangalumbaba si Georgina, at bumaling kay Phoebe na nagsalin ng alak sa shot glass. Georgina was already tipsy. Her eyes started to close intermittently after the second bottle.

Usapan namin na isang bote lang ang uubusin namin, hanggang sa hindi namin namalayan na nakakatatlo na kami.

"Hindi pa tapos ang laban. Look, Ragna told him to stop courting her, but did he stop?" Ininom ni Georgina ang tagay at malakas na inilapag ang shot glass sa table. "I think we better get ready for his next moves."

"'Tong si Georgie, 'di mo malaman kung sino talagang manok. Kanino ka ba talaga?" natatawang komento ni Maxine.

"Lito na rin ako, Maxine!" Natawa rin si Georgina. "I-cheer ko sila pareho, tapos akin ang talo. Malay mo, ako pala ang magbibigay kulay sa mundo niya."

Napailing ako. Ako naman ang uminom.

"Payag ka ba matitikman ko si Rogue if ever na siya ang talo?" tanong sa akin ni Georgina.

My smile faded, and I focused my eyes on her.

"Char lang, sis! 'Di ka naman mabiro. Alam mo namang ibang lahi gusto ko," pagbawi niya at lumapit sa akin saka ako hinalikan sa pisngi. Lasing na nga! "Totoong kaibigan ako, hindi ahas. Pero gusto ko na rin ng ahas at matuklaw. 'Di mo ba miss?"

I pinched her waist making her pull away from me quickly.

"Aray, Ragna!" angal niya.

Napuno ng tawanan ang mesa at bumalik na siya sa upuan niya.

"I have foreign friends. You don't need to download dating apps again."

Napalingon ang lahat kay Phoebe. She smiled widely, waiting for Georgina's reaction.

Nanlaki ang mga mata ni Georgina. "May irereto ka?"

"Ayaw mo ba?"

"Syempre, gusto!"

"Gusto nang mapasukan ng ahas ang butas," makalokohang sabi ni Claudine. "Ikaw ba, Ragna, anong favorite sex position mo?"

"Clau!" Humagalpak ulit ng tawa si Maxine.

Tumayo ako, hindi pinansin ang tanong ni Claudine. "Excuse me, I need to check on the twins."

"'Ba 'yan! KJ, sis!"

Inilapit ko ang mga labi sa tenga ni Phoebe. "Bantayan n'yo ang dalawang 'yan. May mga tama na."

She nodded her head.

I went into Halona's room, but my daughter wasn't here. Lumipat ako sa kwarto ni Rainer, at nakayakap si Halona sa kuya niya habang nanunuod ng TV. Nilingon nila ako at parehong ngumiti. I glanced at the digital clock on the bedside table as I sat on the bed.

"Why are you still wide awake?"

Inabot ni Halona ang kamay ko, pinaglaruan ito. "Mommy, can we finish watching the movie po?"

"It is nine forty-five—"

A knock at the door interrupted my sentence. Bumukas ang pinto at sumilip si Rogue.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon