Chapter 5

6.1K 410 33
                                    

“Tandaan mo ang mga binilin at sinabi ko Addelyn ha.” si Karen, na tila ba ako'y isang bubo o bingi na hindi pa nakuha ang kanyang mga sinabi.

Huminga ako ng malalim pagkatapos naming mag usap. She's cold to me at school dahil iyon ang napag usapan.

"Lyn! Halika at tulungan mo ako dito sa mga handa. Dadalhin doon sa cottage."

"Opo nay!"

Nandito kami ngayon sa resort dahil birthday ni tito Julo, ang papa ni Karen.

Nagkakasayahan na sa cottage na malaki. Konti lang ang bilang ng aming pamilya na nandito.

Si papa at tito Julo ay nasa cottage at nag iinuman. Ang ibang kasamahan na katulong nila tito Julo ay nasa labas at nag iihaw.

Nilapag namin ni nanay ang mga pagkain sa mahabang mesa. Actually, kanina pa nagsimula ang handaan pero may dinadagdag sa mesa kapag wala nang laman.

Si Karen ay nandoon sa gilid at kumakain, tinaasan niya ako ng kilay ng makita at tinawag.

"Nay, puntahan ko lang si Karen."

Bahagya akong nilamig kaya niyakap ko ang sarili.

"Oh?"

"My friends.. Casha and  Dara."

Ngumiti ako sa kanila. Hindi ko sila kilala. Halos lahat kasi na nakakasalamuha ni Karen ay kilala ko pero itong dalawa hindi.

"Hi!"

"Nagdala ka ng bikini mo? Magswimming tayo mamaya ah."

Umupo ako katabi nila at kumuha ng balat ng lechon.

"Huh? E' ang lamig na Karen, atsaka gabi na."

"Hindi, may pool doon sa loob ng resort. Doon nalang tayo tsaka nagdala ako ng whiskey."

Umiling ako at nanahimik nalang. Ilang beses naman kaming naligo ng biglaan at kung minsan pag wala akong dalang bikini e' nagba-bra at panty nalang ako. Parang ganon' lang naman parin yun.

Halos ma-out of place ako sa kanilang tatlo dahil pinag uusapan nila ang mga ex nila na hindi ko naman relate kasi wala akong ex?

Hay. Kinuha ko ang coke at ininom.

" Karen, lasing na si papa mo. Magliligpit na kami para makatulog na. Kayo ni Addelyn hindi pa kayo matutulog?"

"Mamaya na ma. Kasama ko naman si Addelyn, magsswimming kami sa pool."

"Opo," segunda ko.

"Naku, kapag kayo kabagin ha!" tinuro pa ako ni mama na kakadating lang.

"Oh siya, mauna na kami at magpapahinga na."

Nakita ko si tatay na halos lasing narin katulad ni tito Julo.


"Alam niyo ba? May boyfriend ako dati pero sa chat lang iyon hanggang ngayon hindi na nagparamdam sakin."

"Ghosting?"

"Parang ganon' na nga."

"Tsaka inutangan pa ako ng pera ha!"

"Ay, user rin pala!" tumawa si Karen.

"Ako marami na akong naging ex sa school pero may isa talaga akong gusto." kwento niya.

"Oo nga! Daming gwapo sa school niyo ah! Gusto ko yung makita ang sponsor ng school niyo kaso mailap."

Tahimik lang akong sunod sunoran sa kanilang likod habang patungo kami sa Pool. Malayo palang kitang kita ko na ang pagka kulay blue nito at walang tao.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now