-026-

262 12 0
                                    

-jay pov-

"oh anong nakain mo, aga mo magising ah" napataas ang kilay ko kay irene na kabababa lang ng hagdan.

"teka, 10am pa class mo tuwing monday diba?" kinunutan pa nya ako ng noo.

"oo, ang aga aga ang ingay ng bunganga mo" pang-aasar ko sa kanya. she rolled her eyes.

"nagpapahatid ang jowa mo sa arizona," sagot ko sa kanya

"right, may tour sya don.. ikaw pala nakuhang driver" pang-aasar nya pabalik sa akin.

"luh, maghahanap kami shawty don" akala mo ha, tatawa na sana ako kaso nauna nyang paliparin ang magaspang nyang kamay sa mukha ko.

"subukan mo, isusumpa kita na hindi ka na magkakajowa sa buong buhay mo" sinundot pa nya ang tagiliran ko, kung saan ako may weak spot.

"ako sasapok kay sunghoon kapag pumayag 'yon na maghahanap kami ng shawty" inirapan lang nya ako bago sya muling tumaas.

ayos naman na ako kaya agad na din akong nagdrive papunta sa bahay ni sunghoon, "daan tayo starbucks muna ah" saad ko kay sunghoon na busy sa pagce cellphone.

"okay, isang americano lang din ako" nakuha na nga akong driver, eto naman sumusobra na ata.

"tanga ako magbabayad, ang sama ng tingin mo ah" mabilis ko syang nginitian at saka ako bumaba sa sasakyan.

i ordered everything i need before we get back on the road.

hinatid ko si hoon sa venue n'ya tapos nagdrive na din ako pabalik around 8am.

tumigil ako sa parking lot ng arelline, atsaka ako nag antay sa entrance kasi hindi naman ako papapasukin dahil wala akong ID.

i waited there for like 15 mins, "TONI!!!!" sigaw ko habang kumakaway sa naglalakad na si toni.

napakunot ang noo nya at akmang hindi ako papansinin pero agad ko syang naharang.

"ano bang ginagawa mo na naman dito?" aga-aga ang init ng ulo.

"here! brekky!" ginaya ko talaga accent ni jake pero nakakunot ang noo nyang nakatingin sa supot mg starbucks.

"paano mo nalaman na hindi pa ako pumapasok?" takang tanong nya. "si katie" honest na sagot ko naman.

mabait 'yung kaibigan nya, nahanap nga nya agad ako sa twitter so naging mutuals kami.

i heard she sighed. "bakit ka kasi nagdala? hindi ko naman kailangan. wala ka bang klase? wag ka na magsayang ng oras sa akin" sunod sunod na saad nya, mukhang bubuga na sya ng apoy.

napaatras tuloy ako at napalunok. grabe, ang cute nya magalit pero parang ayaw ko sya mapuno.

"hoy, hindi.. ano kasi, hinatid ko si sunghoon sa tour nya, tapos dumaan kami ng starbucks, i remembered na hindi ka nagbreakfast kahapon, so binili na din kita. 10am pa class ko so wag ka mag worry hehe" page-explain ko sa kanya.

"pasok na ako" pamamaalam nya pero hinawakan ko agad ang wrist nya para hindi sya makaalis, i immediately let go of it kasi ayokong maging uncomfty sya.

"tanggapin mo lang 'to, aalis na ako" saad ko sa kanya at inarrow yung mga pinamili ko.

"hindi ka na magpapakita?" napanguso ako sa sinabi nya,

"syempre hindi pwede kasi sa shop ka namin nagta-trabaho, sige na bye!"

tinalikuran ko sya at sumakay sa sasakyan ko, hay.. park jongseong, eto na naman tayo. magsimula ka na magbuo ng pader, bago ka na naman maging sadboi sa ending

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon