Kabanata 39

1.4M 34.7K 20.1K
                                    

Warning: SPG

-----------------------------------------------

Kabanata 39

Who's Worshipping

"Kunin mo ang lahat ng files at i arrange mo alphabetical. Gusto ko ng organisadong mga files sa opisina ko." Sambit ni Brandon sa nilistang 700 ka titulo ng files na pinapahanap niya.

Iyon ang unang utos niya sa akin na halos ikinabaliw ko. Sa opisinang mukhang ginawang warehouse ay naroon ang mga papel na kailangan ko. Inaalikabok na at hinihika na ako sa paghahanap. Ang masaklap pa ay alas tres niya na binigay sa akin ang trabaho kaya hindi ko kaagad na gawa. Kung sana ay ibinigay niya nong umaga ay mas nagawa ko sana ito kay sa ipag timpla siya ng kape.

Umuwi na ang lahat ng nasa opisina at natira ako doon. Kinatok ko pa si Brandon at kabado akong baka magalit na naman iyon pag inistorbo ko siya. Gusto ko sanang sumabay sa kanyang mag dinner kaso nong binuksan ko ang pintuan niya ay nakita kong naka dim na ang lights ng opisina at wala na siya roon.

Iniwan pala ako ng lalaking iyon. Nilingon ko ang mga papel na hindi ko pa natatapos sa pag aalphabetize. Wala namang sinabi si Brandon na ngayon ko ito tapusin kaya imbes na manatili doon ay dinampot ko na ang mga gamit ko at umalis na roon.

"Hello..." Si Jessica ang nasa cellphone ko nang pauwi ako sa villa.

"Kamusta ka na?" Tanong niya.

"I'm fine. Well, pinapahirapan ako ni Brandon sa trabaho." Suminghap ako. Pinapanood ko ang labas dahil palapit na ako sa villa.

"Mabuti tinanggap ka niya? Ang akala ko babalik ka rin dito kasi mag aaway lang kayo."

Pinandilatan ko ang ere. "Mag aaway kami pag pinatulan ko ang pagsusuplado niya. But you know, I'm at fault. May kasalanan ako dito and I know I should make it up to him."

Humalakhak si Jessica. "Nagsusuplado parin ba?"

"Of course, natapos ang araw na ito nang hindi niya man lang ako sinulyapan ng nakangiti. Lagi siyang galit at pinagalitan niya pa ako kanina."

"Maglambing ka kaya?" Ani Jessica.

Bahagya pa akong natigilan. Papasok na ako ng villa niya. May spare key ako na kinuha ko doon sa conference room kanina. Iyon ang bilin sa akin ni Madame.

"Iyan suggestion ni Adrian. Mag lambing ka raw." Tawa niya. "Titiklop yan."

"Ayoko nga." Umiling ako, hinihinaan ang boses dahil baka naroon na siya.

Sumulyap ulit ako sa labas ng villa at nakita kong wala ang Benz doon kaya baka wala pa siya. Pero gabi na, a? Nasaan naman kaya iyon?

"'Yan ang hirap sayo. Masyado kang ma pride, hindi ka marunong maglambing."

"Nilambing ko siya noon. Nong kasagsagan pa ng pangangalap ko ng impormasyon."

"Then do it again now."

Pinag isipan kong mabuti ang mga sinabi ni Jessica sa akin. Tumawag pa si mommy at daddy para mangumusta at magpaalam sa akin na bukas ay papa Cavite sila para puntahan si tito. Nakipagkamustahan ako sa kanila habang tinitingnan ang loob ng ref para sa mga pwedeng lutuin.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon