053 • imessage

3.5K 236 100
                                    


Mababait na Nilalang

Today 11:16


Momo:
Iba rin tong si ate
Pag uwi ko tulog na, pag gising ko wala na
Iwas na iwas magkwento 
Anuna
👁️👄👁️

Nana:
Hoy, grabe. Magkukwento naman ako. Nagkataon lang na kailangan ako ni Ate Nicelynn nang maaga. Pauwi naman na ako pero sa cafe ako didiretso kaya baka gabi ako dumating dyan sa condo?

Ruru:
ay kakalimutan na to ni nana tsk tsk
kailangan na ikwento to ngayon din!! xD

Momo:
Yes ate please kwento mo na ano nangyayari musta barcade haha

Nana:
Okay, nasa byahe naman ako ngayon. Uhm, in-invite ako sa Versus Barcade annniversary? Ayon. Nung una hindi ako pupunta pero naisip kong bumisita saglit.

Ruru:
tapos may holding hands na kayo?!

Nana:
Walang holding hands, huy!

Momo:
Hawak sa wrist, master!
Anong holding hands ka jan hahaha

Ruru:
excited ako haha

Nana:
Walang gano'n. Friends lang kami. Nagkakatuwaan lang din dahil doon sa arcade.

Momo:
But matagal ka dun, right? Nauna ka sa akin ng ilang hours?

Nana:
Medyo . . . Bale, maaga akong dumating. Hindi ko alam na kapag maaga, wala pa palang mga tao. 😅 Wala rin si Quatro doon, kaya tinawagan pa siya ng mga staff niya. Sabi ko nga uuwi na ako, pero kinausap ako ni Quatro sa phone. Stay put daw ako. After 15 mns, nandoon na siya, magulo pa nga itsura. 😂Sinama niya ako mag-prepare ng ilang drinks. Pinag-handle din niya ako ng bar nung umpisa. "Go wild" daw sa paggawa drinks. Napanood ko rin kung paano siya magmando ng store operations at kung paano siya magbarista.

Momo:
Ate naman!! Hahahaha anong oras ka ba pumunta! Sana nag ask ka muna sakin kung kailan nagsastart mga ganyan! Haha musta naman ate? Okay ba work ethics niya?

Nana:
Ayoko sana sabihin sa inyo kasi baka bigyan n'yo ng malisya, e. Haha. And yes! Hindi aakalain na "fuccboi" siya? Haha. Nagulat nga ako na kahit nakakatawanan niya yong mga kasamahan niya doon, sinusunod siya ng lahat with great respect? Seryosong boss at seryoso din pala siya sa business niya.

Momo:
Wow who would have thought na may side palang ganyan si fuccboi dungis no?

Nana:
Oo nga.

Ruru:
crush mo na?

Momo:
WAT HAHA

Nana:
Ha?

Ruru:
parang nawala kasi ung triggered nana kapag pinag uusapan si koya pakboy hahaha baka lang crush mo na para di naman sayang ung kilig ko sa chika ni momo abt sa inyo xD

Nana:
Ang highschool naman n'yan! Haha. Hindi ko siya crush. Too much pa rin para sa akin yong lifestyle niya. Nung hinatid nga niya ako pauwi, nasa kotse kami, may tumatawag sa kanyang babae. Mukhang "booty call" daw yon.

siklab na may sakdal laya (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon