Kabanata 8

19.3K 646 47
                                    

Kabanata 8

Draw Me

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto. Bumangon ako at naglakad palabas ng kwarto. Nasa pintuan na ako nang maalalang hindi ako nag-iisa sa bahay.

Dali-dali akong umatras at lumayo sa pintuan. Hindi ako mapalagay. Ilang minuto kong kinalma at inayos ang sarili. Nang sa tingin ko'y handa na, saka na ako lumabas.

Nadatnan ko siyang tinitignan ang painting na nasa sala. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang painting na nasa kwarto. Tama lang na hindi ko na dinisplay iyon sa sala. Posibleng magkaroon siya ng ideya na siya and nasa painting dahil siya lang naman ang lalaki na naliligo sa ilog.

Lumipat ang tingin niya sa akin. Mukhang kanina pa siya gising.

"Good Morning,"

Maliit akong ngumiti at nagtungo sa kusina. Magluluto muna ako ng umagahan. Hindi ako sigurado kung anong oras na ngayon.

Ramdam ko ang pagsunod niya. Sinulyapan ko siya at nadatnan ang panonood niya sa pagkuha ko ng gagamitin sa pagluto.

Kumuha ako ng bigas at hinugasan bago nilagay sa rice cooker. Nananatili siyang nanonood.

Hindi ako palasalita pero ngayon na nandito siya, parang kinakailangan kong makipag-usap para lang mawala ang mahabang katahimikan. Ang problema ay hindi ko alam kung paano siya kausapin.

"I will cook," aniya.

Napatingin ako sa kanya at nadatnan ang pagtingin niya sa rice cooker na nagsimula ng umandar.

"Marunong ka ba?"

He looked at me as he smirked. "Of course,"

Kinagat ko ang loob ng bibig para mapigilan ang pagngiti. Hindi ako naniniwalang marunong siyang magluto. Hindi ako maniniwala hanggang sa wala akong nakikita.

"Okay,"

Inihanda ko ang mga sangkap bago siya pinabayaan na magluto. Tahimik siyang nagsimula. Tumayo ako sa gilid ng rice cooker at pinanood siyang magluto ng ulam.

Now that I'm standing here, it feels wrong. Ang makita siyang magluto, sa sarili kong pamamahay ay parang mali. I should be the one who's serving him. Ang malakas na pagtibok ng puso ko ang dumagdag sa patunay na mali nga itong ginagawa niya.

But there's a part of me, who wants to see him cook. Since, I'm sure he's not used to this. This is the opposite of the life he has. He's the one who's being cooked and served.

Nag-iwas ako ng tingin at lumayo sa kanya. Kagaya ng hindi pamilyar na nararamdaman ko ngayon ay parang mali rin.

Inabala ko ang sarili na ayusin ang hapag para maiwasan ang panonood sa kanya. Eksperto ang galaw niya kaya kumbinsido na akong marunong nga siyang magluto. Lahat yata na akala ko'y wala siyang alam ay marunong siya.

Medyo natagalan ang kanin pero sakto lang nang matapos ang paglagay ng ulam sa hapag. Sabay kaming naupo.

"Kape?"

He shook his head. "No, thank you."

Tumango ako at kinuha ang kanin. Wala sa sarili kong nilagyan ang plato niya. Eating with someone feels foreign. Parang hindi ko nasubukan o dahil sa nakalimutan lang.

Nasanay ako noon na naglalagay ng plato sa mga magulang at hindi ako makapaniwalang muli ko iyong ginagawa matapos nang mahabang panahon.

"Hey," he gently calls for my attention.

Napatingin ako sa kanya dahil sa paghawak niya sa kamay ko. Akmang ibababa niya ang hawak ko pero pilit akong ngumiti at ipinagpatuloy ang paglagay ng kanin sa plato niya.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon