Kabanata 40

1.5M 37.2K 20.2K
                                    

Kabanata 40

Magdurusa Ka

Hindi ako nakatulog. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, umiyak, dilat, tunganga, at sinasabunutan ko na ang sarili ko. That was a blow to me. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang ginawa.

Sampal iyon para sa akin. Napatunayan niya ngayon kung gaano ako kabaliw sa kanya. Iritadong iritado ako sa puntong nanghihina na ako. It was so stupid of me to kneel. He's a big asshole!

"Dalawa lang 'yan, A. Alis o manatili. Pili." Isip ko at mariing pinikit ang mga mata.

Ilang oras na ang nakalipas at dilat parin ako habang iniisip kung aalis na ba ako o hindi. Kung aalis ako dahil sa kahihiyang natamo, babalik na ako sa normal kong buhay at mababalewala ang paghihingi ko ng tawad kay Madame. Pag mananatili ako, I will probably lose myself in this situation.

I know my worth and I know my place in this world. Kahit na anong ganti ni Brandon sa akin ay mananatili ang pananaw ko sa aking sarili. Kahit na anong diin niya sa akin sa kasalanang ito, maaaring tama siya at nasaktan ko siya, mananatiling ako parin ito. I will never lose myself over this. But how will I know that I'm still that same woman? If I make it out of this, if I finish this, still that same fierce woman.

Tinanghali ako ng gising. Puyat parin ako. Nang dumilat ako ay imbes na magmadali ako dahil tinanghali na ay nanatili ako sa kama.

Mahirap umalis doon lalo na kung maiisip mong haharapin mo si Brandon sa araw na ito. Si Brandon na pinaluhod ako kagabi at maaaring pinagtatawanan ako ngayon!

Ginagap ko ang aking kumot at tumunganga pa muna bago tinulak ang sarili na pumuntang banyo para makaligo at makapag bihis.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Wala nang tao sa sala o sa kusina ngunit nakakita ako ng isang pinggan na nakakulob at may pagkain roong nakahanda. I don't know if it was Brandon's food or the food he cooked for me. Pwede ba iyon? Galit siya sa akin pero pinagluto niya ako?

Lumunok ako at nakaramdam ng matinding gutom. It is 9 in the morning at late na late na ako. Isasakripisyo ko na lang ang sahod ko kesa naman pumasok akong sabog. I'm not sure if I'm ready to face Brandon anyway.

Kinain ko iyong nakahandang bacon. Pagkatapos kumain ay nag toothbrush ulit ako at tiningnan ang pintuan ng bahay. Hindi ko kayang lumabas. Lumalamig ang sikmura ko tuwing naiisip na haharapin ko si Brandon. Paano ko siya haharapin? Hindi ko alam.

Bayolente akong lumunok nang nakarating sa bukana ng opisina. Damn it! Makakaya ko ba ito?

Dire diretso ang lakad ko patungo sa aking swivel chair at nilapag ang mga gamit ko sa gilid. Naroon parin sa cabinet ang mga papel na iniwan ko kagabi at nag simula na naman ako sa pagso-sort ng mga files.

Narinig kong pumihit ang pintuan ng opisina ni Brandon at nakita ko ring lumingon doon ang mga ilang empleyadong kapitbahay ko lang ang mesa. Kumunot ang noo nila. Sa kanilang lahat yata ay ako lang ang hindi lumingon sapagkat parang hinahabol ng aso ang lintik kong puso.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon