🍯36

59 4 2
                                    

"For me? Sure ka?" Tanong ko rito.

"Ayaw mo ba?" Sinagot naman ako nito with smirk. Siraulo hindi ako marupok. Slight lang.

"Thanks." Ginaya ko na lang rin siya at uminom na rin ng kape saka bumalik sa harap ng kalan at sumingit sa pwesto niya. "Ako na diyan."

"Ako na baka masunog mo pa." Nag fake laugh pa ang sira ulo habang naglalagay na ulit ng pang third batch at ako naman ay nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung maooffend ba ako o maiintimidate ako na ewan. "Just Kidding. Hindi siguro maganda tulog mo noh?"

"Can't say. Siguro kinulang lang ako sa tulog than the usual." Casual ko lang na sagot rito habang umiinom ng kape at nahuli ko siyang nakatitig sa akin. "Hoy don't get me wrong, hindi ako nagrereklamo ah?"

"Hindi halata sayo tss. Don't worry pagkaalis namin mamaya, feel free to use my bed and take a nap if you feel tired. Idlip lang ah hahaha-- ouch!" Paglasabi niya nun ay nasinit yung braso niya pan.

Hinila ko naman ang braso niya sa lababo at binuksan ko yung tubig. I switched it sa cold water at parang dahan dahan ko namang hinugasan ang braso niya kahit hindi madumi joke. "Ayan kase ang clumsy. Masyado kang happy noh?" Sarkastiko ko pang sabi.

"Sus, Concerned ka naman sa akin?" Nagkatinginan kami sa mata nang pagkasabi niya non at binitawan ko na yung braso niya. "Malayo naman ito sa bituka so it's fine."

"Fine pala ah, ulitin natin isa pa gusto mo? Hahaha."

"Do you wanna get fired?"

"Pikon ka talaga noh? Ako na nga kase bahala dito at baka mapaso ka ulit. Maligo ka na lang at gisingin mo na rin yung anim. Mamaya malate pa kayo at sisihin niyo pa ako tss." Sarkastiko ko ulit na tugon at saka flinip ung pan.

"Noted po Madame!" Sagot nito habang nagpupunas ng kamay. "Ingat rin sa stove ah. Tanga ka pa naman rin minsan." Sabi nito at tumalikod na sa akin

"Hoy Jay!"

Lumingon naman ito at inayos ang specs niya sabay ngisi. "Pogi ako alam ko."

Aba ang aga aga napakahangin agad tss. Sinubukan kong mag focus sa niluluto ko habang dinig dito sa kusina yung ingay niyang panggigising sa mga tulog. May silbi rin pala minsan yung pagiging maingay niya. Literal na pwedeng gawing alarm clock.

Nagtagumpay naman siya ang nagising na rin ang ibang members. Medyo naging maingay na rin ang bahay.

"Good morning Noona!" Bati ni Jungwon sa akin habang kumukuha ng tubig sa tabi ko.

"Good morning rin. Ano palang gusto mo? Coffee? Tea? Or milk?" Alok ko pa habang nagluluto ng pang limang batch na at chocolate na rin ang ginawa kong filling.

"Ako na lang magtitimpla. Busy ka pa magluto eh. Pwede na bang kumuha?" Parang bata niya pang sagot. Ang sarap ipoke ng dimple niya kahit bagong gising siya grr.

"Mamaya na. Sabay sabay Im trying to make different flavors rin eh hehe." Sagot ko rito habang nagtitimpla ng maiinom ng ibang members.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako inabot sa pagluluto pero saktong kakatapos ko lang magluto nang kakatapos lang rin nila magsiligo. Buti na lang gising na rin silang lahat.

"Hoy mga Enhypanget, lalamon na!" Sigaw ni Sunoo at umupo na sa lamesa. Jusko bhe bakit ka naman ganyan magsalita?

"Hala ako panget? Kailan pa nangyari iyon?" Sagot ni Sunghoon habang nagtutuyo ng buhok niya gamit ang twalyalita. Isa pa itong mahangit eh leche.

"High Kick Sunoo Hyung, Gusto mo?" Umasta pa na parang maninipa si Jungwon. Black Belter ata ito eh.

"Pasalamat ka Cute ka Hyung kung hindi binatukan na kita." Sabi naman ni Niki at kumuha muna ng bungeoppang bago umupo. Tss adik talaga.

"May Ramyeon ba diyan?" Tanong naman ni Heeseung.

"Meron. Kumuha ka lang diyan." Sagot ko pa rito habang hinuhugasan yung king ano anong ginamit ko kanina.

"Hey Honey, Join us here first. Mamaya mo na gawin yan." Singit naman ni Jake na naghugas ng kamay niya at kakain pa lang. Syempre hindi na ako tatanggi sa grasya ng pogi hehe. Siya na yung nagdala ng Ramen ni Heeseung sa table.

Magkatabi naman kaming naupo ni Jake sa kanan ko kaya amoy na amoy ko yung pabango na ginamit niya. Hindi masangsang at nakakaadik amoy amoyin. Smells Luxurious. Wait sa kaliwa ko pala galing yung amoy. Pabango ni Jay.

"Honey, okay ka lang?"

"Eh?"

Napatingin ako sa kanilang pito sa tanong ni Heeseung. Bakit mukha bang hindi?

= ♡ =

Hello Everyone! I think this is TMI but Feel ko mas makakapag update na ako soon dahil naoo-open ko na yung phone ko after almost a month hehe.

Anyways, Enjoy Reading and Keep Safe Everyone!! Fighting to all of us hehe.

J y n ♡

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon