CHAPTER 1

585 187 881
                                    

Galing ako ng Koronadal City dahil hanggang doon lamang ako hinatid ng mabubuting pamilya Alvarez na kumupkop sa akin.

Dumating ako sa Davao, Pebrero ika-dalawampu't dalawa. Nagbabakasyon ako kasama ang aking pamilya, ngunit nagkaroon ng kaonting problema. Kumakain kami ng hapunan ng nalaman kong si Ate lang ang balak bigyan ni Dad ng mana sa Kumpanya. Dahil sa galit at bugso ng damdamin ay naglayas ako.

Nakasakay na ako sa isang bus papunta sa kung saang lugar na di ko na tinignan, basta nalang akong pumasok dun ng di nag-iisip.

Ang tanga ko!

Bumaba ako sa isang Gasoline Station sa Makilala. Nasa CR ako non umiiyak habang paulit-ulit na binabangga ang ulo ko sa pinto ng CR, bigla nalang may lumapit sa aking babae at pinatahan ako. Siya si Henessy Alvarez.

Ang pamilya Alvarez ay mga napadaan lang rin sa Gasoline station ng Makilala, halos isang oras palayo sa Davao. Hindi ko alam kung paanong nagtiwala ako agad sa Ina ng Pamilya, ngunit sumama ako sa kanila.

Taga Municipality of Lambayong ang pamilya Alvarez at doon din ako nanirahan ng mahigit Isang buwan, I wanted to check in a hotel but they insisted I stayed with them. They treated me like I was a part of the family and I will never forget about that.

After maybe a month of overthinking and having Anger issues nahimasmasan naman ako. Nang mag-anunsyo ang mga tagapagbalita na mayroong Covid-19 na kumakalat isa ang Pamilya Alvarez sa mga nagpaalam sa akin, 'di rin kasi ako nakikinig ng balita nong mga panahong yun. Mababait din ang mga kapitbahay nila, silang lahat napaka welcoming kahit di naman nila ako kilala.

Nagtratrabaho ako bilang isang Accountant sa Kumpanya ni Dad ngunit dahil nga sa sama ng loob ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na mag-file ng resignation letter. Prino-proseso na ng sikretarya ko ang mga gamit na naiwan ko sa aking opisina upang dalhin at ilipat sa bago kong office sa Villameral Corp. Ang kalabang kumpanya ni Dad.

Alam kong di magandang desisyon na kalabanin ko si Dad pero paano ako magiging matagumpay? Ang kompanyang yun lamang ang handa akong tanggapin, lalo pa ang hirap maghanap ng mapapasukang trabaho dahil sa Covid-19.

"Naay magbaba sa jollibee diha?" (Meron bang bababa sa jollibee diyan?) Sigaw ng konduktor na nakatayo sa may pintuan na nakahawak sa likod ng upaan ng Driver.

Nagsigawan ang ibang pasahero dahil nagmamadali na rin silang bumaba, siksikan din kasi dito sa bus na sinakyan ko. Lahat ng tao ay nagmamadaling makauwi sa kanya-kanya nilang mga probinsya.


"Suota ninyo inyohang mask kay para di madakpan,"(suotin niyo ang mask niyo para di kayo mahuli,) sabi ng isang ale na takot na takot mahuli. It's funny huh? Hindi takot ang tao na magkasakit kun'di takot silang mahuli at magbayad ng malaki.

Hindi ko alam bakit ngayun pa ako natauhan na there's more to life than just my Dad's pamana. Ang sabi strikto na daw sa Airport ngayun pero susubukan ko pa ding makauwi, hindi ako pwedeng ma-stranded dito wala akong titirhan. No friends, no shelter, at higit sa lahat di ko alam kung safe ba ako.

"Oh last stop Bulaong terminal, baba na mo tanan sa bulaong kay mabalik pa me sa Marbel,"( Oh last stop bulaong terminal, bumaba na kayong lahat sa bulaong dahil babalik pa kami sa Marbel,") sabi ng konduktor na mukhang pagod na pagod na sa byahe.

"Uh excuse me kuya, pwede ako pa-help magbuhat nito?" Tinanong ko ang mukhang stress na stress ng konduktor. 'Di na ako makagalaw ng maayos dahil sa mga bumababang pasahero.

"Pasahero oh kuhaa jud ning iyahang bag oh,"(pasahero oh! kunin niyo nga itong bag niya,) inabot ng konduktor sa driver ng tricycle na nakaabang sa pintuan ang bag ko.


THE GUY I MET IN BULAONG TERMINAL [COMPLETED](ON REVISION)LOCKDOWN SERIES#1Where stories live. Discover now