TWENTY-ONE

9 0 0
                                    

TINITOO ni Drek ang sinabi nito. Hindi ito umalis sa kwarto niya. Which she found irritating. She hated his guts. Kung umasta, daig pa ang daddy niya.

Dumalaw ito sa kabila ng busy schedule nito. Hindi man lang niya nakitaan ang pag-aalala sa mga mata nito. Well, that was her father. Dapat masanay na siya rito. But sometimes...gusto rin niyang maramdaman na concern ito sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa cr. Sama ka?" inis niyang tanong dito. Itinaas nito ang mga kamay bilang pagsuko. At bumalik sa sofa. "Will you sleep?"

"I will be happy kapag sinabi mo iyan out of concern but alam kong gusto mo lang akong patulugin nang makatakas ka. Not a chance, Rose."

"Don't blame me kapag ikaw din na-ospital."

Pumasok siya sa banyo.

Mga dalawang araw pa raw bago siya tuluyang makalabas sabi ng doktor. Under observation pa siya. At kapag nakitang ayos na ang kalagayan niya, pwede na siyang makalabas.

"Pagkatapos nga halos tatlong taong pagkawala, lumutang na rin sa wakas ang kilalang businesswoman na si Rose Enriquez. Ang tanong ng lahat, sinadya ba nitong huwag magpakita sa publiko o gawa-gawa lamang ang lahat ng mga ito..."

Mula sa banyo, dinig na dinig niya pa rin ang balita sa kanya. Headline siya sa lahat ng newspapers at television maging sa radio news. Thankfully, walang anumang ibinalita tungkol sa pag-kidnap sa kanya maging ang tungkol kay Manang Corazon.

Lumabas na siya pagkatapos umihi.

News break.

Pumalit ang advertisement ng isang kilalang sabon sa Pilipinas.

"What did you do?" tanong niya at nginuso ang flat screen tv na nakadikit sa dingding ng inuukupa niyang private room.

"Pera. Everything is all about money. Pinatahimik sila ng daddy mo at nagpasulat ng mas magandang balita. Nang hindi ka mapunta sa scandal."

Nagkibit-balikat siya at sumampa sa kama. "Takot lang si Daddy na maapektuhan ang negosyo ko. It will also be his lose."

Everything was also money sa daddy niya.

"Hindi sa lahat ng panahon, kontrabida si Sir. Ayaw lang niyang madagdagan ang stress mo."

Inilagay ni Rose ang unan sa may bandang hita.  "Tell me, Drek. Ginayuma mo ba si daddy or ikaw ang ginayuma niya? Wala kang bukambibig kundi siya."

"Huwag mong bigyan ng kahulugan ang sinabi ko. Nagsasabi lang ako ng totoo."

Pagod siyang makipagtalo rito. "Yeah, yeah. I get it."

Magsasalita pa sana siya nang may kumatok sa pinto. Iniluwa roon si Kadriel.

Biglang bumilis ang takbo ng puso niya.

Ngumiti ang lalaki sa kanya. "Rose." Humalik ito sa pisngi niya at ibinigay ang isang bouquet ng bulaklak. "I was so worried when Tito informed me about you. Where have you been, woman?"

He was still handsome as ever. Isang simpleng black t-shirt lang ang soot nito na pinaresan ng pantalon at sapatos.

"Darl-" Tumikhim siya. "Kadriel. Bakit nandito ka? Saan ang asawa mo?"

Ngumiti ito ng matamis pagkarinig sa asawa nito. Something tugged at in her heart. Nandoon pa rin ang lungkot pero hindi niya pinahalata. Instead...she forced a smile.

"She's okay. Stubborn as usual. Mainitin ang ulo." Humalakhak ito.

"Mabuti naman." Tila may bara sa kanyang lalamunan.
"Have a seat." Inilagay niya ang mga bulaklak sa bedside table. "Will she be mad if she found out na nandito ka?"

Iwinasiwas nito ang mga kamay. "Nah. Hardly. Siya pa nga ang nagsabi na puntahan kita."

"So you will not visit me if not for her?" aniya sa mahinang boses.

Tumawa ito. "Silly. Of course I will kahit na hindi niya sabihin. I still  care for you. I really meant it." Marahan nitong pinisil ang kanyang pisngi.

Napasinghap siya.

"I'm glad you're here," she responded.  Parang biglang nawala ang sakit niya sa katawan as she looked at Kadriel.

"Let's catch up kapag magaling ka na. Tell me everything, Rose."

"Sino ka para sabihin iyan?" biglang tanong ni Drek. Tumaas ang kilay nito. "Hindi ka bf."

"So are you the boyfriend?" ganting tanong ni Kadriel.

"No," agad na sagot ni Drek. "Concerned citizen lang. Ayaw kong pumunta rito ang asawa mo at kuyugin si Rose."

Matagal na tinitigan ni Kadriel si Drek. "It will never happen. Charinda already knows how to control her emotions. She will love it when I tell her that I am here."

"Oras na may mangyari kay Rose, tayong dalawa ang magtutuos."

"Point taken,"saad ni Kadriel. "Don't be too possessive."






Only Rose Where stories live. Discover now