Kabanata 10

20.8K 674 186
                                    

Kabanata 10

Control

Ilang linggo ang lumipas pero ang mga nangyari ay nanatili sa isip ko. Parang sirang plaka na pabalik-balik. Gustuhin ko mang kalimutan, hindi ko magawa.

Umupo ako sa tabi ng ilog. Rinig ko ang usapan sa pagitan ni Dean at ang kasamang lalaki. Pero kahit rinig ko, wala akong maintindihan. Ilang araw na pabalik-balik ang lalaki dito na may mga dalang gamit at pagkain.

Sa mga nakalipas na linggo, hindi siya nawala sa paningin ko. He left me once but he came back right away. Naghilom na ang mga pasa at sugat ko pero hindi pa rin siya umaalis.

Isang malaking problema na hinahayaan siyang gawin ang mga bagay na hindi niya dapat ginagawa para sa akin. I'm not his reponsibility and he's not obligated to do these kind of things to me. Nakikitira lang ako rito pero inaabala ko pa pati ang trabaho at pamilya niya.

Ngayon na nakakapag-isip na kahit papaano, nakita ko na ang problema. I'm too open for him. Masyado na akong nagpapadala sa emosyon na kahit anong gustuhin niya ay hinahayaan ko.

Wala akong lakas ng loob na umalis kaya kung dito ako mamamatay ay ayos lang. Ang nakakasiguro ako ay mamamatay akong lumalaban.

Inilagay ko ang kamay sa tubig ng ilog. Ang malamig na daloy ng tubig ay agad kong naramdaman.

Maraming mga nangyari sa akin na pwede kong ikamatay. But up until now, I'm still asking myself why I always choose to fight for my life. I have no reason to live.

Kung mawawala ako, walang maghahanap sa akin. Ikakasaya ng mga tao ang magiging pagkamatay ko, kaya paanong pinipili ko pa ring mabuhay kahit una pa lang wala namang patutunguhan. Alam kong hindi sila titigil hanggang sa alam nilang buhay pa ako.

Mabilis dumating ang gabi. Mabilis akong naligo habang nagluluto siya. Tahimik kami nang maghapunan hanggang sa natapos ako sa paghuhugas ng pinggan.

Pinunasan ko ang basang kamay at naglakad. Nakaupo siya sa sala at pinanood akong magtungo na sa kwarto. Pero dumiretso ako patungo sa tabi niya.

Sinikop ko ang buhok at nilingon siya. He's already looking at me silently.

"Hindi ka ba uuwi?" kalmadong tanong ko.

Ito ang unang pag-uusap namin ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit hindi rin siya nagsasalita at parang nakikiramdam lang.

Umigting ang kanyang panga, tila inaasahan na ang magiging tanong ko.

"No, why?" there's a finality in his voice.

Pinanatili ko ang maging kalmado. Ang napansin ko ay kung anong gusto niya ay iyon ang palaging nasusunod. Pero sa ganitong sitwasyon, hindi pwedeng ganoon. Kung kailangan ko siyang itulak paalis dito ay gagawin ko.

Pero wala akong makuhang tamang salita na sasabihin ko sa kanya. Nalilito ako kung anong rason ang unang sasabihin.

"Paano ang trabaho mo?"

Hindi siya sumagot at marahang umiling. Wala siyang pakialam sa trabaho niya. Mas dumagdag iyon sa rason na kailangan ko nga siyang paalisin dito.

According to what I've heard, his main priority is their business. Pero mukhang mali ang mga naririnig ko sa lungsod.

Tumikhim ako at tumayo.

"Umalis ka na bukas. Kailangan mong bumalik sa trabaho."

Halos dito na siya tumira sa mga nakalipas na araw. Hindi siya lumalabas ng gubat kaya sigurado akong walang namumuno sa planta.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon