14:

337 18 3
                                    

Hoseok's POV

Kasalukuyan namin hinahanap si Xabrina, dahil she's currently nowhere to be found. Bigla nalang kasi itong nawala na parang bula matapos ang performance nila ni Jungkook. Balak sana namin siyang asarin tungkol dun sa performance nila. Pft, alam namin na napilitan lang gawin ni Xav iyon, pero hindi parin maalis sa amin ang paghanga. Sa loob ng dalawang taon na nakasama namin siya, iyon ang unang beses na nakita namin na kumanta at parang isang tunay na babae si Xabrina. At sobrang cute pa niya. Hihihi.

Patuloy pa din namin hinahanap si Xav, kung saan-saan na kami naghanap pero hindi talaga namin siya makita. Dumaan naman kami sa dorm ngunit si Suga lang ang naabutan namin doon, sinabi niya din na galing si Xav sa dorm pero umalis din agad. Alam namin na may hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa ngayon, kahit hindi nila sabihin ay pansin namin dahil sa mga akto at kilos nila. Tch, lovers' quarrel.

Pinagpatuloy nalang namin ang paghahanap sakanya, maging si Suga ay sumama din sa amin. Napagdesisyunan namin na maghiwa-hiwalay para mapadali ang paghahanap sakanya, wala pa man bente-minutos ay nagkikita na ulit kami, pero ni isa sa amin ay hindi kasama si Xabrina, napansin din namin na wala pa si Jungkook. Nagconclude kami na baka bumalik na iyon sa dorm kaya napagdesisyunan nalang namin na umuwi na. As for Xav, hindi na rin namin ipinagpatuloy pa ang paghahanap sakanya. Baka kasi umuwi na din yon sa bahay nila at kaya na din niya ang sarili niya. Tss, amazona kaya yun.

Hindi pa man kami tuluyang nakapasok sa gate ng dorm ay nakarinig na kami ng bangayan. Nagkatitigan pa muna kami at after .012345 seconds sabay-sabay kaming tumakbo papasok ng dorm at confirmed, si Jungkook at Xav nga ang nagbabangayan. Wala naman na bago doon.

"Xabrina, anong nangyari sayo?!" Pasigaw na tanong namin sakanya, bakas sa mukha niya ang matinding gulat ngunit nanatili pa rin doon ang blankong ekspresyon niya.

Nakita kasi namin na may benda sa balikat niya. Hindi ito maliit ngunit hindi rin naman ito kalakihan. Saan na naman ba nagsinuot 'tong babaeng 'to? Hindi ba siya marunong magingat kahit konti man lang? Pasaway talaga kahit kelan.

"Xav! Anong nangyari sayo?! Bakit? B-bakit may benda ka?!" Tanong ulit namin nang makalapit kami sakanya at pinalibutan na parang bagong silang na sanggol.

"Utang na loob. You guys are suffocating me," Pagrereklamo niya pero kalmado parin siya sa lagay na yan. Da heck, ibang klase talaga.

"Ano ba kasing nangyari sayo?!" Pagtatanong ulit namin sakanya, this time seryoso na talaga kami.

"Nadapa," Maikling sagot niya samin kaya malakas na batok ang natanggap niya kay Jin hyung. Yan ganyan ka nga hyung, nang matuto naman si Xav.

"Tinatanong ka ng maayos kaya sumagot ka ng maayos," Inis na sabi ni hyung sakanya.

"Pake mo ba? Epal ka din no?" Pabalang na sagot naman niya dito at inirapan pa. Tch, this brat. Really.

"Sasagot ka ba ng maayos o sisirain ko lahat ng gamit mo dito?" Pagbabanta ni hyung kaya nagising sa katotohanan si Xav. Once kasi na sinabi ni Jin hyung, talagang gagawin niya.

"Paano kung sabihin ko sainyong pinaulanan ako ng bala ng baril at iyon ang dahilan kung bakit may benda ako ngayon?" Seryosong saad niya kaya natahimik kami.

"Pero syempre, joke lang iyon. Gawa lang ng katangahan ko 'to. Now, are you satisfied with my answer?" Malamig ang tono ng boses niya at hindi mo rin siya makikitaan ng anumang ekspresyon ng sabihin niya yan. Kaya napatango nalang kami.

Pero pucha? Ano? Joke lang daw yon? Muntik na kaming maniwala ah!

Xav's POV

Iniwan ko si Byunghun dun nang nakatulala, hindi pa din mawala sa isip ko kung papano siyang napunta doon. Batid ko din na nagulat siya sa nasaksihan niya kanina at sa inasta ko, hindi ko din naman masisisi ang sarili ko nang bigyan ko siya ng warning. Sa sandaling panahon ng pagsunod at pangungulit niya sakin napagaralan ko na ang kilos at takbo ng utak niya. Alam kong hindi siya mapapalagay kung hindi niya naikwento man sa kahit na sino ang nakita niya kanina. Kaya ganoon na lamang kalakas ang loob ko na bigyan siya ng warning. Kung hindi lang naman siya isa't-kalahating chismoso hindi magiging ganon ang inasta ko sakanya. Tch. Tsaka sigurado ako na hindi siya titigil sa pangungulit at pagtatanong sakin once na makarecover na siya.

Bad Ass DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon