NYOWL - 47 ☆

663 22 0
                                    



────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

47th Episode

 [ JaNa Sidestory Pt. 2 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Inna's POV


Umuwi ako sa bahay ng gulong-gulo. Andaming tanong na nabubuo sa utak ko. Bakit magkakilala si Mommy at ang Daddy ni Jason? Bakit nagpa-DNA test si Jason? Ano bang nangyayari?

Pagkabukas ko ng pinto, agad kong naabutan si Mommy na papalabas pa lang sa office niya. Pero hindi na siya kasing-gulo tulad ng kagabi.

"Inna, saan ka nagpunta—"

"Mag-usap tayo, Mommy."Pinapasok ko siya sa office nya ulit at sinara ang pinto sa likod namin.

Nag-cross siya ng arms. "Ano bang nangyayari? Bakit mo—"

"Sagutin mo ko, Mommy." seryoso kong sabi. Natahimik siya. "Ano bang relasyon mo sa Daddy ni Jason?"

Mukha syang nagulat sa tanong ko. Ayan nanaman, nagte-tense nanaman siya at mukha siyang galit. "A-Ano bang pinagtatatanong mo? Hindi ko kilala ang lalaking yun."

"Wag na kayong magsinungaling!" sigaw ko. "Alam ko na. Alam kong may relasyon kayo noon! Dahil kung hindi, bakit kayo magkasama sa iisang litrato na magkayakap!?"

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya at mukhang hinahanap niya ang sasabihin. Bilang isang babaeng elegante at composed, parang hindi si Mommy ang kaharap ko ngayon. Kinakabahan, nauutal at umiiwas ng tingin.

"Sagutin nyo ko. . ."  naiiyak kong tanong. Ito ang bumabagabag sakin kanina pa. Kanina pa nung magkasama kami ni Jason. "Nagbunga ba ang relasyon na yun?"

"Ha?! Anong nagbunga!?"

"May naging anak ba kayo ni Tito Jack? S-Si Jason ba. . . ang anak nyo?"


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


- Flashback -


"Tingnan nyo oh! Ang Student Council President sasama sa race,"  sabi ng mga estudyante. Sports Festival ng araw na yun. At kakaiba ang race na yun dahil by partners ang labanan.

"Jack, dapat manalo tayo ah!" sabi ng isang babae sa kapartner niya habang tinatali ng lalaki ang mga paa nila.

"Oo naman!!" ^__^  sagot ng lalaki.

Sa kabilang banda. . .

"Hay nako! Ba't pa ako na-stuck sayo, Bernadette!!" naiinis na sabi ng lalaki sa SC President.

"S-Sorry, gagalingan ko na lang," sagot ng babae. Magaling siya sa studies at sa halos lahat ng bagay. Except sa sports. Tinali na ng lalaki ang mga paa nila at naghanda na ang lahat sa signal.

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now