A/N: Listen to Baby I'm Yours by: Arctic Monkeys while reading this chapter.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng sabihin niya ang mga katagang 'yon. Heto nanaman ang pamilyar na kirot sa dibdib ko, bakit ba ang bilis ko masaktan sa mga sinasabi niya. Napapailing nalang ako sa sarili ko.
Napagdesisyunan namin na umalis na rito. Nagpauna itong maglakad at naiwan naman ako ng ilang metro sa kaniya. 

Napatingin ako sa kalangitan ng may tumulong patak ng tubig sa ilong ko. Kahit hindi ko man tignan ay alam kong tumitingin din sa 'kin si Echo.
Ngumiti ako rito ngunit nag-iwas lang ito ng tingin kahit hindi maitago ang ngiti sa kaniyang labi. Tinanggal ko ang heels na suot ko at maligayang tumapak sa basang sahig.

I love the smell of rain... I love how the raindrops meet the ground.

"Echoella Marie." I called her and she looked at me confusedly.

"Sapp? Wear your shoes. Baka makatapak ka ng kung ano diyan." alalang sabi nito.

I smiled playfully.

"Worried beb?" I said and I saw right on my eyes how she blushed. Ganiyan nga... ganiyan 'yung reaction ko lagi kapag inaasar niya 'ko dati-rati.

"Tigilan mo 'ko Sapphire Drew." naasar na sambit nito.

Medyo lumalakas na ang pag-ulan.

"Aww, my babe is pissed." natatawang sambit ko at kinurot ang pisngi niya ngunit iniwas lang nito ang mukha.

"Sapphire! Umuulan na. Mababasa tayo." sambit nito.

I remained quiet.

"No, let's stay here for awhile. It's not like we haven't stayed under the rain." sambit ko rito at nanatili nalang din ito.

Parang may ritmo sa utak ko na biglang tumugtog at bigla kong hinawakan ang braso ni Echo. Nabigla pa ito ngunit nakisabay nalang din. We're both dancing under the pouring rain. It's just the two of us, just like before. Just like what we used to be. We're both laughing at each other while we're dancing... the sound of rain, we stopped when we realized how happy we are. She looked into my eyes, I stared at her for a moment... Parang no'ng una ko siyang nakita. Lahat ay blurred maliban sa kaniya.

She snapped her two fingers infront of me. "Kiss me." she whispered.

Nabigla kaming pareho dahil sa sinabi niya. Nag-iisip pa siya ng dahilan kahit ako ay nag-eenjoy sa view na nakikita ko. Namumula siya at kitang-kita ko 'yon kahit na basa ng tubig ang mukha niya.

"Ahh, favorite movie ko 'yon?" palusot nito ngunit umiling naman ako.

"Your favorite movie is The Platform."

"I-i mean, song. Yes, that's my favorite song." pangungumbinsi pa nito sa 'kin pero umiling muli ako.

"Your favorite song is Sanctuary by Joji." sambit ko ulit.

"Damn it." she murmured.

"Nagbago na. 'Yun na gusto ko ngayon." palusot niya at tumango-tango nalang ako.

"You know... if you really wanna kiss me just say it. Okay lang naman." I winked at her playfully and she acted disgusted.

"As if you're not addicted with it." bulong ko at sinamaan naman ako nito ng tingin.

Edi 'wag.

Napatingin ako sa kamay namin ng magtama 'yon. I looked at her and she's just looking away, blushing. I held her face and gave her a soft kiss. I looked directly in her eyes, in her lips, and back into her eyes. I really love the color of her eyes. It's hazel nut. I was about to apologize to her from what I did but instead she held my face and deepened the kiss.

Dandelions' TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon