"Ang sakit ng ulo ko," hinigpitan ko lalo ang niyayakap ko at pikit-mata pa rin.
Gumalaw ang yakap-yakap ko at nang subukan kong imulat ang mga mata ko, pumikit na lamang ulit ako.
"Akala ko magiging jowa ko na, hayy."
Pinitik ni Isha ang noo ko. "Ikaw talagang babae ka."
Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at tumihaya.
"Eh kasi parang may lalaki akong kasama kagabi. Sure akong hindi si Tres kasi mas malaki ang katawan at matangkad. Sayang, forever ko na sana."
Tumawa ng mahina si Isha at naramdaman ko na bumangon na ito. Dahil solo ko na ang malaki at malambot na kama, nagpagulong-gulong ako.
"Sana ganito lagi ang gising ko!" komento ko.
Bumangon ako at pinakatitigan ang itsura ni Isha. Nakasuot kasi ito ng sweatshirt at jogging pants na parehong malaki sa kanya.
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko.
"Nahulog kasi ako sa pool kagabi," rinig kong sambit ni Isha.
"Tanga naman! Paano?"
Ngumuso ito. "Eh may nagkakasiyahan kasi tapos nabunggo ako. Ayun, hulog si tanga."
Humagalpak ako ng tawa pero hawak-hawak pa rin ang ulo ko. Tiningnan ko naman ang sarili ko at nakasuot din ako ng t-shirt at jogging pants na mukhang panlalaki.
"Akala ko nga may nangyari sa atin," pagbibiro ko.
"Sa'yo ang mukhang may nangyari," aniya.
Kumunot naman ang noo ko. "Huh? Bakit?"
"Sinampal mo kaya si Kuya Dos! Tapos no'ng buhat-buhat kasi ako ni Kuya Uno dahil sa pagkahulog ko, nahuli ng mga mata ko na nasukahan mo si Tres at mukhang si Kuya Dos na ang umasikaso sa iyo."
"Real talk?!" gulat ko. "Binuhat ka ni Kuya Uno? Bakit?"
"Ayun pa talaga ang napansin mo?" takang tanong niya.
"Bakit buhat ka? Hindi ko pa pala nakikinita ang mukha no'n ng malapitan. Tapos ikaw nagpabuhat na? Hanep ka, binibini!" sumimangot si Isha sa akin.
"Nahulog nga kasi ako tapos siya ang tumulong sa akin," katwiran niya na ikinibit-balikat ko.
Dumaan ang ilang sandali at may narinig kaming katok sa pinto. Si Isha na ang nagbukas nito at ako naman ay padaskol na ibinagsak ang sarili sa kama.
Si Dos pala ang kasama ko kagabi. May nagawa pa ba ako bukod sa pagsampal sa kanya? Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Though, I could still remember fragments from that night pero malabo. Naalala ko nga na inalalayan ako ni Tres tapos nabunggo kami o nabunggo namin si Dos at sinampal ko nga!
Sinapo ko ang noo ko. Ano pa ba ang ginawa ko?
Bumangon na ako at pinuntahan si Isha sa may pinto kung sino ang kausap niya. Naulinigan ko naman ang boses ni Tres. Niyakap ko si Isha sa gilid.
"Sakit ng ulo ko talaga," reklamo ko at napipikit na lamang.
"Hayok ka sa alak eh."
"Inom pa."
Sabay na komento nila Tres at Isha, inirapan ko na lamang ang dalawa sa akin. Niyaya na kami ni Tres na kumain at sabay na rin kaming tatlo na bumaba. Yakap-yakap ko pa rin ang braso ni Isha at halos nakahilig ang ulo ko sa kanya.
Nagku-kuwento ako sa mga nangyari kagabi at sa mga naalala ko pa. Nag sorry din ako kay Tres sa pagsuka ko sa kanya pero inirapan lang ako. Hindi ko naman kasi aakalain na magsusuka ako. Ngayon nalang din kasi talaga ako nakainom lalo na't graduating student na kami.

YOU ARE READING
When the Two Collide (Numero Serye #DOS)
RomanceNumero Serye #2 Miranda Eduardo, ang daldalera at usisera sa buhay ng ibang tao. Walang takas ang bawat kuwento na kanyang nalalaman. Ngunit ano na lamang ang mangyayari kung isang araw, makasalubong niya ang taong hindi niya sinasadyang gawan ng is...