Chapter 13

12.6K 401 21
                                    

REBECCA'S POV

Pagkatapos nung nangyari sa condo unit ni Aiden ay hindi na nasundan pa iyon. Baka nga sigurong nagselos lang siya that time at hindi na niya napigilan ang sarili niyang magwala. I'm just thinking na baka may pinagdadaanan siya na hindi niya masabi-sabi sa akin kaya nagkaganon siya nung time na iyon.

He's becoming more very sweet and gentle to me at bumawi siya sa nagawa niya sa akin. He's a jealous guy at katulad nga ng sinabi niya ay hindi ko siya binibigyan ng rason para magselos.

He is possesive, that's I noticed from him pero sana ay hindi siya umabot sa punto na katulad nina Eli at Isaac. Aiden promise me na he will not possessed and dominate me at umaasa ako doon. Inisip ko nalang na kaya lang siya nagselos ng ganon kagrabe ay dahil sa mahal rin niya ako at natatakot siyang mawala ako sa kanya.

Pagkatapos ng klase namin at maihatid na ako ni Aiden dito sa bahay namin ay naabutan ko si Kuya Rodney na nagbabasa ng magazine sa sala. Himala yata at maaga siyang umuwi?

"Ang aga mo yata ngayon, Kuya?" Tanong ko at nilapitan siya.

Ngumiti naman siya sa akin at itinigil nito ang pagbabasa niya ng magazine.

"I'm having a headache kaya nagpaalam muna ako kina Mom at Dad na bukas ko na itutuloy ang iba ko pang gagawin. How's my sister? Are you doing good in your studies except for your boyfriend?" He said at inakbayan ako.

Humilig naman ako sa balikat ni Kuya Rodney. "Of course. Don't worry, Kuya dahil hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko kahit may boyfriend na ako. How about you? Kailan mo naman balak mag-girlfriend? 'Yung seryosohan, ha? Not a fling." Sabi ko.

He chuckled. "I don't know when pero nandyan naman kayo ni Mom kaya may babae pa rin akong sineseryoso sa buhay ko." Nakangiti niyang sabi.

I pouted. Kuya Rodney is very sweet and caring brother to us. Kahit minsan ay nag-aasaran kami ay super close talaga kami sa isa't-isa. Maswerte ang babaeng seseryosohin ni Kuya Rodney dahil nasa kanya na ang lahat ng katangian na meron ang isang lalake na gusto ng mga babae.

"Ang sweet naman ng mga kapatid ko."

Napakalas ako sa pagkakaakbay kay Kuya Rodney nang makita ko si Kuya Jackson na nakangisi habang papalapit sa amin. Prente itong umupo na parang hari sa sofa na nasa harapan namin.

Sumama ang tingin ni Kuya Rodney sa kanya at nilapitan siya.

"What are you doing here, bastard?" Madiing tanong ni Kuya Rodney kay Kuya Jackson.

Kuya Jackson is my father's first son. Anak siya ni Dad sa unang naging ex-girlfriend nito. Mas matanda lang ito kay Kuya Rodney ng isang taon. My family hates Kuya Jackson and her mother so much. Hanggang ngayon ay naghahabol pa rin sila kay Dad ng mana kahit naibigay na ni Dad ang ibang gusto nila.

Kuya Jackson smirk and he look at me. "I came here to see my younger sister. Hindi ba pwedeng makita ko siya? Napakaselfish mo naman kung ipagdadamot mo sa akin ang kapatid natin."

Nagulat nalang ako nang biglang kwinelyuhan ni Kuya Rodney si Kuya Jackson.

"I know you, Jackson. May gang ka at ikaw ang leader, 'di ba? I don't want my sister to be in danger because of you!" Galit niyang sabi.

Tumawa naman si Kuya Jackson. "Walang kinalaman sa pagiging leader ko sa gang kung bakit ako nandito. I came here to see Rebecca. Anong masama dun? O, baka nagseselos ka dahil gusto mo na ikaw lang ang magpaka-kuya sa kanya?"

Akmang susuntukin na sana ni Kuya Rodney si Kuya Jackson nang napigilan ko siya.

"Kuya, no please? He's still our brother." Pakiusap ko kay Kuya Rodney.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon