Simula

19 2 6
                                        

"Vexuxe Ysher Cañedo, stop following me!"

"Nikee Briann Orense, ayo'ko nga."

Konti na lang ay sasabog na ako.Umaga pa lang ay nai-stress na ako sa lalaking 'to,paano pa kaya mamayang hapon? Baka baliw na ako nito.

Palagi na lang niya akong sinusundan.Kapag hindi niya ako nakikita ay kunikulit niya si Phoebe para sabihin kung nasaan ako.

Tapos kapag nakita niya ulit ako,mangungulit na naman.Syempre ako,tatarayan ko lang siya at susungitan.

Pero hindi talaga siya tumitigil dahil pursigido siyang ligawan ako at mapasagot dahil 'mahal' niya raw talaga ako.

"So saan tayo,beh?"

Agad kong inalis ang braso niya na inangkla niya sa akin habang nagtatanong siya kanina.Pero makulit si loko,ibinalik ang braso niya.

"Bitaw! Kakagatin kita," Banta ko.

Agad niyang inalis ang braso at itinaas ang dalawang kamay na parang suko na siya.Suko na? Salamat naman kung gano'n.

"Masyadong brutal,bhie!" Aniya,gulat na gulat.

Bakit pa siya nagulat? Lagi naman akong ganito sa kaniya.

"Mesyedeng bretel,nyenye." I mocked.

Sumimangot agad siya sa panggagaya ko sa kaniya.Bakit kapag sa iba ay hindi naman siya mabilis mapikon? Tapos kapag sa akin,sisimangot kaagad siya?

Ang lakas naman ng topak niya!

Malapit na mag-4 years ang paghahabol niya sa akin.Sa pagkakatanda ko pa ay hindi ko naman siya pinayagang manligaw noong umamin siya.

Pero bakit nandito pa rin siya?

Sa di malamang dahilan,napangiti ako ng makita ang nakasingot niyang mukha.

"Pakagat naman,bhie."

Tuluyan na akong natawa ng magwalk-out siya.Pero siyempre hinabol ko para asarin siya dahil ang cute--ko.

So on,the table turns:))

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon