36

293 22 0
                                    

" I think it's better if next month ay maikakasal na silang dalawa " sabi ng papa ni Jungwon ..

Atat na talaga sila na pag usapan to kasi na postponed yung plan na mag me meet sila last time dahil may biglaang meeting ang papa ni Jungwon kaya nang malaman nitong magjowa na ang dalawa ay naisipan nyang pwede na nilang pag usapan ang tungkol kasal ngayon .

" I guess it's okay since they're already at their legal age .. tsaka boyfriend din naman ng anak ko si Jungwon kaya okay lang sa akin . And besides , matagal na itong napag usapan at dapat ay kasal na nga sila eh " pag sang ayon naman ng dad ni Celine

Jungwon's dad began to tap his fingers against the table na para bang nag iisip ..

" We just needed a date , we can easily process the other things along with it .. " sabi naman nya

Tumikhim naman si jungwon na ngayon ay nakahawak sa kamay ni Celine ..

" Excuse me lang po , pero di nyo ba kami tatanungin ? Our opinions must also be heard .. kami po yung ikakasal " sarkastikong sambit nito kaya napakunot lang ang noo ng papa nya

" So what do you suggest anak?" Tanong naman nito agad .. pero napakaseryoso ng mukha nya na para bang nasa isang company meeting sila ngayon at nasa kay Jungwon ang atensyon ng lahat dahil sya na ang pe-present ng idea via PowerPoint.

Ibinaling naman ni Jungwon ang tingin nya kay Celine na kanina pa tahimik sa tabi nya ..

" Babe , ano sa palagay mo ?" Tanong nya dito at hinihingi ang opinyon nya kaya tumingin si Celine sa kanya bago magsalita

" I guess , one month wouldn't be enough to make us both ready .. I mean , seryosong bagay po ang marriage . " Mahinahong sambit ni Celine habang tinitingnan ang dad nya at ang papa ni Jungwon ..

Gusto nyang maintindihan nila na hindi basta-basta ang pagpapakasal .. kasi parang ginagawa nalang nila iyong collateral sa business eh .

Dapat sila nga yung nag ga-guide sa dalawa para sa mabuting kinabukasan tas sila pa ngayon yung tumutulak sa kanila para sa mga ganitong bagay ? Ang mali lang tingnan kasi ..

" I think you're both ready for it .. " seryosong sagot ng papa ni Jungwon .. apaka excited naman nya na magkamanugang

" Pero pa , totoo naman yung sinabi ni Celine .. i think we should postpone the wedding for now . Matutuloy naman siguro yang partnership nyo kahit wala yung wedding .. magtulungan nalang kayo , kaya nyo na yan "

Hinampas naman ng papa ni Jungwon ang mesa dahil sa inasta ng anak nya .. halatang galit na ito .

Si Jungwon naman ay nagsisi sa mga sinabi nya .. minsan kasi napapahamak sya sa mga choice of words nya eh  .. sana di nalang nya dinagdagan ng mga walang kwenta .

" I don't tolerate this kind of behavior Yang Jungwon .. and stop with your improper language . Alam mo naman yung ayaw ko diba ?! And please just act your age . Dapat nga ay ikaw na ang nag mamanage ng business natin pero wala kang ibang inatupag kundi ang sumayaw . Akala mo ba ay hindi ko malalaman ha ?" Sigaw nya kay Jungwon kaya nagulat naman ang lahat .

Di nya akalaing mapapagalitan sya ngayon , at sa harap pa ni Celine .. at alam na pala ng papa nya ang tungkol sa pagsasayaw nya

Hinawakan naman ng mahigpit ni Celine ang kamay ni Jungwon para i-comfort ito  pero di sya nagsalita .

" I'm sorry pa " tanging mahinang sagot ni Jungwon sa papa nya kaya umayos naman sa pagkakaupo ang papa nya na ngayon ay pinapakalma ng mama nya

" Okay , I'll give you two months and there's no turning back . After two months , you both have to get married whether you like it or not " nagulat naman ang dalawa . Akala nila ay hindi na sila pagbibigyan ng papa ni Jungwon pero nagkamali sila ..

Pero two months ? Masyadong mabilis naman ..

" But in those two months , the preparation must be already settled .. we will just wait for the both of you to be ready . " dagdag naman ng dad ni Celine ..

Wala naman silang nagawa kundi ang tumango .. dapat ay ihanda na talaga nila ang sarili para sa magiging future nila na magkasama , gusto din naman nila yon pero parang ang bilis lang .

Di alam ni Jungwon ay nagmamadali na ang papa nya na ma settle ang lahat .. magkapamilya sya , at mailipat nya sa pangalan ni Jungwon ang lahat ng Business and assets nila . Napag usapan na nila ito ng asawa nya at ng dad ni Celine .

Mayroon kasi syang malubhang sakit at bilang mabuting kaibigan , handang tuparin ng dad ni Celine ang wishes nito bago ito mamatay . Okay lang naman sa kanya na makasal ang nag iisang anak nito sa anak ng kaibigan dahil alam naman nyang magiging maayos ang buhay ni Celine kasama si Jungwon .

Wala naman talagang business partnership na kailangan ng marriage in between . Matagal naman na tinutulungan ng papa ni Jungwon ang dad ni Celine kasi nga magkaibigan silang matalik .

At isa pa , matagal nang ipinagkasundo ng dalawang magkaibigan ang kanilang mga anak .. kaya siguro ay panahon na para tuparin iyon .

Pero para sa dalawang magkasintahan ay , feeling nila ay nape-pressure sila sa mga nangyayari . Pareho silang hindi pa handa pero mahal naman nila ang isa't isa . Wala pa lang talaga sila sa stage na nag iisip na tungkol sa mga bagay na tulad ng pagpapamilya .

" I guess we're all settled ?" Biglang tanong ng papa ni Jungwon na ngayon ay nakangiti na

" Yes po " sabay na sagot nilang dalawa kaya napangiti na din ang dad ni Celine at mama ni Jungwon

^^^

Parang cliché drama lang sa tv noh ? Hahhaha actually wala talaga to sa original plot pero idinagdag ko nalang kasi wala na akong maisip lol .. nawala na sa original storyline ang book na to sa totoo lang pero ginagawan ko naman ng paraan para malibang naman kayo kahit konti haha sana ay patuloy nyo paring basahin kahit na ganito ang kinalabasan

Thank you sa lahat ng nandito pa hanggang ngayon at naeenjoy pa ang book na to .. mahal ko kayo so much <3 * insert Heeseung's voice *

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon