Chapter 27

12.8K 494 65
                                    

HAVRI

"HAVRI!"

Napakurap ako at nagbalik sa realidad nang marinig ang napakagandang boses ng asawa ko. Para akong biglang natauhan. Ang ganda na nung palabas 'tsaka naman e-eksena si boss?

I frowned then look up at her. "Yes, boss?"

Humalukipkip siya at naningkit ang mga mata sa akin. Pakiramdam ko may sermon na naman na magaganap. "Ano ba 'yang pinapanood mo? May nagliliparan na pugot na ulo!" Sermon niya kaya ngumuso ako.

Heto na 'yung sermon niya. Susungitan na naman niya ako buong maghapon. Mas madalas pa nga siyang masungit kaysa malambing. Feel na feel ko tuloy na parang under ako, eh hindi naman.

Ang daya talaga ni boss. Kapag siya ang nanonood ay support nga ako, eh. Hindi ko siya pinapakaelamanan pero kapag sa'kin, bawal? Kapag sa kanya nakikinood ako, tapos sa'kin may sermon?

Mapanakit siya ng damdamin.

"Bakit ba mainit na naman ulo mo, boss?" Nakangusong tanong ko at mahigpit na niyakap ang puting unan na nakuha ko sa tabi ko dito sa sala ng bahay.

"So ito ang pinapanood mo kaya ka napuyat kagabi?" Taas kilay na tanong niya at tinuro pa ang malaking screen ng tv.

Tinitigan ko si boss. Seryoso ba siya? I mean, oo. Napuyat ako kagabi dahil sa pinapanood ko. Grabe. Hindi ko akalain na nakaka-addict manood ng anime. At 'yon na nga, pinapanood ko 'yung Demon Slayer, ang cute ni Nezuko--- "Aray!" Daing ko nang malakas niya akong pitikin sa noo!

Sumimangot ako at hinimas ang parte na 'yon. "Bakit ba, boss? At least nga anime lang, eh. 'Yung pinapanood mo nga live action. Conjuring, The Curse of La Llorona, The Grudge, Annabelle, The Nun! Puro horror tapos madugo, nakakakaba, pinigilan ba kita? Alam mo bang gabi-gabi hindi na rin ako makatulog? Nag-uumpisa na akong matakot sa multo." Mahabang reklamo ko dahil totoo naman.

I crinkled my nose at the thought. Sa gabi ay kung ano-anong horror ang pinapanood niya at dahil nga hindi ako makatulog nang hindi siya kasabay ay nakikinood ako. Ang ending, nagiging nerbyosa na ako. Siguro dahil sa kape. Aish.

'Yon na nga. Pati pagpunta sa CR na napakalapit lang ay gigisingin ko pa siya para lang magpasama kasi naiisip ko bigla 'yung pinanood namin. Take note, pagkatapos manood ng horror ay payapa siyang nakakatulog! Akala mo walang nangyari.

Buti sana kung madali lang pakiusapan si boss na samahan ako sa CR, pero hindi eh. Daig niya pa 'yung mga nakakatakot na creatures! Nakakakaba kapag naaalala ko. Dapat talaga bawasan din niya ang panonood ng gano'n dahil ganito ang nagiging epekto sa'kin.

I do know that ghosts doesn't exist but hell! Parang biglang nagbago ang pananaw ko. Kailangan ko na sigurong ituwid. Tama, tama! Itutuwid ko na ang landas para sa katarungan---

"Aray!" Daing ko ulit nang hampasin niya naman ako sa braso!

"Nagrereklamo ka na?" May diin na tanong niya kaya napaamang ako. Gusto kong maiyak sa takot na naman.

Oo, sobra! Nagrereklamo ako! Super! "H-Hindi, boss. Stating the obvious lang." Pagtanggi ko dahil kinikilabutan pa rin ako sa paraan ng pagtingin niya. Parang may laser beam.

Padabog siyang naupo sa tabi ko at nakinood na lang din. I pouted at the thought of her being mad again. Parang napipilitan lang din siyang manood. Hmp. Ang aga-aga, ang init na agad ng ulo niya. Wala naman akong ginagawang masama pero inaaway ako.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now