Chapter 30

5.5K 467 132
                                    

"Landi ninyo." Umarangkada na naman si Valeen na ang aga-aga, kami ang pinapansin. "May label na ba kayo?"

"What label?" Saktong kadarating lang ni Jo. Imbes na dumiretso siya sa sa sariling pwesto ay kumuha siya ng bakanteng armchair at naki-circle sa amin nina West. Kasama namin si East pero ewan ko ba, parang ang tamlay niya. Siguro kasi missing in action pa si Lucy. "Good morning!"

"Label ng garapon." Wala sa hulog na sagot ni Val.

"Huh?"

"Hakdog."

Natawa ako kahit hindi naman talaga nakakatawa. Sa mukha kasi ako ng best friend ko natatawa. Akala mo sira na ang araw.

"Aga-aga inaaway ako ni baby." Jo pouted her lips. Lumapit siya kay West at niyapos ito sa braso pero naitulak lang siya sa mukha ng mahina. "Hindi mo 'ko love, West? Makalayo ka sa akin."

"May magseselos." Lumingon sa akin si West.

Kahit hindi naman ako nagseselos?

"Aga, ah. Nakakainit ng ulo." Bwelta ni Val.

"Loyal ako sa'yo, Fabregas, my love, so sweet, so sungit—"

"Luh, Martinez epal."

Kulit ng dalawang 'to. Feeling ko na rin tuloy bagay silang dalawa lalo. Paano kasi, hindi naman ganyan si Val, halos lahat yata makakasundo niya pero for some reason ay hindi niya talaga bet maging mabait kay Jo.

Bumalik na naman ang tingin ko kay East na kasama nga namin pero panay ang tingin sa phone. Ang seryoso niya ngayon tingnan,

Kung wala lang si West, iisipin ko na siya yung kambal niya. Nakakahiya naman if ever na lapitan ko siya tapos si East pala siya.

Hinawakan ko sa manggas ng uniform si West para palapitin siya sa akin. Inilapit ko ang bibig sa tainga niya. "Okay lang ba kapatid mo?"

Tumingin siya sa akin. "She'll be fine."

Tumango na lang ako at hindi na nagtanong.

"Wait, who'll get jealous pala?" Napakamot ako sa ulo nang magtanong si Jo, mukhang na-pick up niya yung sinabi ni West kanina lang. Nilingon niya si West—na tumingin naman sa akin—kaya pati si Jo ay tinitigan ako. Biglang nanlaki ang mata niya after ilang seconds. "Oh! Oh, my gosh! Wait, hindi 'to yuri bait, 'di ba? Tama naiisip ko?"

"Girl, si West, mangb-bait? Saan banda?" Ang sarcastic na tugon ni Valeen sa kanya.

Binelatan siya ni Jo, halatang immune na ro'n sa best friend kong akala mo naman in born nang masungit, eh, isa rin siyang saltik-saltik. "Wait, bakit hindi ko alam! Omg, kayo na ba!"

"Not yet, hindi ko pa siya sinasagot.'

"Oh...oh..." Ngiting-ngiti si Jo habang tinititigan ako. Hindi ko tuloy alam kung magr-react ako o magtatago, o magpapanggap na small thing lang yung nangyayari. Pero naiilang ako sa titig niya! "You had it in you pala, ah, Ella. You're so strong!"

"Ah," Tumawa ako pero naging awkward ang dating no'n. "T-thank you."

"This is a big news." Bigla siyang tumayo. "Classmates—!"

Napatingin yung mga kaklase namin sa kanya. Kaagad siyang nahila ni West paupo habang takip-takip naman ni Val ang bibig niya. Parang nag-palpitate ako saglit. Jusko, ia-announce niya ba talaga? Baka wala na akong mukhang maiharap kung sakali!

"Loka ka ba?" Naeeskandalong tanong ni Valeen.  "Gusto mong ma-brokenhearted lahat ng may crush kay West? Tingnan mo naman nakabingwit," Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kamukha ni Jollibee!"

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon