-043-

230 16 5
                                    

-jay pov-

buong araw ata akong nasa mood dahil sa adobo ni toni eh.

sagot pa ako ng sagot sa recit. hays antonia, lakas amats ko sayo.

"aattend pa kayo? wag na" pangdedemonyo ni niki. wala kaming last class kasi may seminar kami. "oo nga" pag gatong ko pa.

"excuse me na lang dahil president ako ng student council" awit ka lee heeseung.

si sunoo, gutom na daw sya kaya hindi na sya aattend, si sunghoon naman may practice, si jake mabait na bata at vice president 'yun kaya malamang aattend yun, si jungwon tinatamad din daw.

"lenox?" aya ni jungwon.

"ayon tinatamad sa seminar pero nag aaya sa mall" puna ni heeseung sa kanya.

"hyung, zest-O at biscuit lang pakain dyan, itong si jay hyung kaya bilhin buong yellow cab" sagot ni jungwon,

"bahala ka sa buhay mo, tara na jake" jake just smiled.

syempre dahil wala si hoon, sa kotse ko nagsikayan itong mga timawa kong kaibigan.

"mall tayo?" aya ko sa kanila. "sige, gutom na ako" sagot ni sunoo na nasa passenger seat ko.

nag deretso ako sa mall, sa may lenox. gusto daw ni sunoo mag mcdonald's kaya kumain kami doon. gutom na din naman ako so saks lang.

"saan tayo ngayon?" nakaupo lang kami sa table namin, katatapos lang kumain.

"uuwi na ako," saad ni jungwon. "ah, pagkatapos kitang ilibre tatakbo ka"

"sasamahan ko 'tong si sunoo mag apply sa bet nyang art school" pagdedepensa nya sa sarili.

"ikaw riki?"

"sasama ako kay jay, papabili ako bagong airpods" makapal ang mukha, parang may patago ah.

"ayon naman pala eh,"

nagpaalam na 'yung dalwa matapos nilang dumaan sa waffle store tapos kami ni niki, dumaan kami sa miniso para bumili ng airpods nya, nawala daw kasi ni heeseung eh.

he was joking lang daw, but i insisted na ako na ang magbabayad, may ipon naman ako eh, saka wala naman akong gustong bilhin pa.

"uuwi na tayo?" he asked me. "book store" dumaan muna kami sa bookstore, bumili lang ako ng librong kailangan ko for engineering course.

niyaya ko naman si riki dumaan sa isang café para ibili si mama nung favorite nyang cheese cake.

malayo pa kami pero agad akong may natanaw na sobrang pamilyar na babae na nakaupo sa gilid ng café.

lumawak agad ang ngiti ko at mabilis na naglakad.

i am looking at her hanggang sa makapasok ako sa loob, tinignan ni riki kung saan ako nakatingin, nagulat pa sya pero agad ko syang pinigilan dahil ayokong makagulo kay toni, dahil nag aaral ata sya.

i ordered my mom's favorite drink saka cheese cake. i don't know what toni wants so, i chose my favorite drink and an oreo cake.

sinabi ko sa waitress na dalhin sa table nya pagka alis namin at wag sabihin na sa akin galing.

"ang corny mong tungek ka. excited na ako na ibigay mo sa akin mga sapatos mong mamahalin" saad ni riki ng makasakay kami sa sasakyan ko.

"sus, intayin kong mainlove ka din tanga" saad ko sa kanya, nakangiti pa din.

"inlove yarn? kadiri amputa. wag ka ngang ngumiti dyan!" nag cellphone na lang sya at hindi ako pinansin.

hinatid ko muna sya sa bahay nya bago ako dumeretso sa shop. t'wing umaga, kapag may pasok si toni si mama 'yung nagbabantay sa shop.

i am actually the one who suggested na maghanap na sya ng intern para naman may kahalili sya, i also don't want her to force herself too much.

"ma!" lumapit ako sa kanya para halikan sya sa pisngi, inabot ko sa kanya 'yung binili ko para sa kanya.

"thank you, iba ka talaga kapag walang jowa, sakin ka nagastos" pagbibiro nya. jusko naman mama.

"ma, grabe ka na! iuun nanay na kita" pagbibiro ko din.

"ikaw ang iuun anak ko" agad ko syang niyakap, kaya natawa sya. "ma kapag joke ko, seryoso tayo ganon?" she pat my head like i am still a kid.

pinauwi ko na si mama para makapagpahinga na sya. sabi ko ako na mag aantay kay toni.

i was smiling while i am stalking toni on her twitter account.

lol ang cute nya lord!!! akin na lang po 'to?

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon