ᜀᜅ᜴ᜀᜃᜒᜅ᜴ᜆᜓᜎ

8.1K 162 1
                                    

"ᜆᜎ ᜀᜌ᜴ ᜀᜃᜒᜈ᜴"
by: ms. demon♡

Aking sisimulan ang dilim
Hahaplusin ka ng lihim
Habang ang mga tala ay sa atin nakatingin
Manatili ka sa aking paningin
Walang sandali ang sasayangin

Isa kang marikit na bituin
Na nakakubli sa abong ulap
lyong ningning ay tanging liwanag
Sa aking madilim na daigdig

Kislap na 'yong hatid sa tuwina
Napangiti sa labis na tuwa
Mamasdan ka sa gabing payapa
Damdaming maligalig, sasaya

Lahat ng sulok papasukin
Mahanap lamang ang gustong angkinin
Lahat ay gagawing akin!

Naririto na tayo,
Magaganap na ang pagiging isa
Saksi ang buwan at kalangitan
Mundo'y nag dahan-dahan

Mahigpit ang pagkakayakap
Tinapos ang langit nang makaharap
Ating lakbayin ang ating mundo ng magkayakap

Ang aking lumbay at kalungkutan
Napalitan ng kaligayahan, Sinta!
Ika'y aking magdamag mamasdan
Pusong sugatan, muling sisigla

Di man magpakita ang minamahal na buwan
Maghintay man ako sa magdamag
Hawak kamay naman nating antayin ang talang handang magbigay nang liwanag

Ako'y nasasabik,
Hahawakan lahat ng akin
Taglay mong ganda ay para lamang sa akin
Hindi makakapayag na iba'y kuhain ito sa akin
Bawat daraanan ay mamarkahan
Palatandaan na ikaw ay akin!

Ating init ay pasisiklabin
Pangakong hindi ka lalamigin
Sisimulan kong ika'y libutin
Mahal ko ay aking aakitin
Tamis ng alapaap ay aking ipapatikim

Masarap kang ibigin
Pangarap kitang aabutin
Magkahawak sa hardin
Halik at yakap mo'y aking dadamhin

Batid mo ang dapat gawin
Iwaksi ang mali at tama ang piliin
Subalit paano pipigilin
Ika'y alipin ng iyong damdamin

O, Sinta! Ikaw ay isang hiwaga
Walang tamang hinala
Sa'yo ako'y sigurado, walang pangamba
Tiwalang tala ay baba'y naganap
Hali na't magdiwang may nakatago akong surpresa

Bawat pintig ng puso
Ay sasabayan ng galaw
Bibigyan ritmo ang musikang
Tayo lamang ang may alam
Sasabayan ang bawat indayog at
Kislap ng iyong mata

Hindi ako makakapayag ipikit ang mga mata Nang wala si haring araw
Tatapusin ko ang gabi na
Mag-iisa ang pintig ng ating mga puso
Yayakapin at mahihimbing ng may ngiti
Ang nag nining-ning na tala ay akin!

_____
Follow me on
Twitter: @callmemsdemon

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon