Chapter 7

147K 8.6K 4.8K
                                    

GUSTO RIN.


Nagpahila, nagpahila naman. Nasa likod ko siya at nakasunod sa akin. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng sama ng loob ko kanina kay Isaiah.


Ngayon, magaan ang pakiramdam ko. Natutuwa ako. Parang gusto kong panggigilan ang guwapong suplado na nasa likuran ko.


Black cap, black shirt, jeans and a white immaculate Nike sneakers. Hindi ko maiwasang mapangiti na naman.


Kakaiba lang siya ngayon. Hindi ko akalain na babagay sa kanya ang civilian. Hindi siya mukhang masungit at mahirap pakisamahan. Hindi rin halatang saksakan ng talino at seryoso sa buhay. Para siyang normal na teen ager lang, pang-boyfriend ganoon.


Nang mahuli niya akong nakalingon sa kanya ay pasimple siyang nag-iwas ng mga mata. Cute talaga! Sarap gawing dantayan sa kama!


Tumigil na ako sa paglalakad. Nasa ilalim kami ng liwanag ng buwan at mataas na lamppost nang lapitan ko siya.


"Ano pala ang ginagawa mo roon sa plaza?" tanong ko na pambasag sa nakabibinging katahimikan.


Hindi siya sumagot. Ang kulay brown niyang mga mata ay sa iba nakatingin at ayaw man lang sumulyap sa akin. Kainis, hindi niya ba talaga naappreciate na ang gorgeous ko sa aking suot na black sleeveless top na pinapatungan ng maiksing red jumper?


Mukha ngang hindi niya talaga naa-appreciate kasi kung makaiwas siya ng tingin sa katawan ko, akala mo naman hindi ako naligo ng ilang linggo. Hmp, kainis. Siya lang yata ang bukod tanging lalaki na hindi nasilaw kanina sa kinis at puti ng legs ko.


"Anyway, akala ko puro pag-aaral lang ang inaatupag mo, mahilig ka rin pala gumala."


"Sinusundo ko lang ang kapatid ko," paismid na sabi niya.


"Ha? Kailan mo pa ako naging kapatid?"


"Si Jillian," mariing sambit niya na may pagtatagis ng mga ngipin.


Tumawa ako. Parang binibiro lang siya, ang pikon talaga.


"Ah, si Jillian ba?" nakangising ulit ko. "E bakit hindi mo siya kasama ngayon?"


"Wala siya roon."


"Ah..." Tumango-tango ako. "Natapos mo ang mahigit 4 hours na program ng battle of the bands sa paghahanap lang kay Jillian sa plaza ng Malabon?"


Nang tingnan niya ako ay napakunot ang noo niya dahil nangingiti ako.


Tumalikod na ulit ako at nagpatuloy sa paglalakad. "'Yan talagang kapatid mo, kababaeng tao, napakagala. Hindi ba niya naiisip na may kuya siyang nag-aalala sa kanya?"


Nakasunod pa rin siya sa likuran ko. Naisipan ko na bagalan ang mga lakad para magkasabay kami.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon