Chapter 30

396 15 0
                                    

"Meow"

Sinamaan ko ng tingin ang pusa na kanina pa ngiyaw ng ngiyaw

"Pwede ba, tumigil ka? Ang ingay ingay mo" reklamo ko saka nagbasa ulit ng libro.

"Meow"

"Arrghh! Sabing tahimik eh! Wala dito ang amo mo okay? Andun kumakain ng breakfast kaya please lang tuma-- teka, nagugutom ka ba?"

"Meow"

"Okay" niligpit ko ang librong binabasa ko at nilagay yun sa shelve

"Come here" Sabi ko at binuhat yung pusa.

"Teka, don't tell me magiging taga alaga ako ng pusa na yan?" Reklamo ko kay Calixian na ngayon ay nakayakap parin sa pusa

"Did I say na magiging taga alaga ka? Wala naman diba?" Taas kilay niyang sabi.

"Sinabi mo kaya kanina na take care of Kurly" sabi ko sabay irap

"That's not what I mean. For now, alagaan mo muna siya. Mag iisip pa ako ng ipapagawa sayo" calixian.

"Really? Para akong yaya ganun? Aba Calixian di ito yung pinangarap kong trabaho ah" reklamo ko

"Then you're free to leave" Sabi niya at binaba ang pusa

"Ayy grabe naman to, leave agad. Basta damihan mo ang sweldo ah. Di biro ang maging amo ka" sabi ko

"Bakit? Nadidistract ka sa kagwapohan ko?" Nakangising aniya

"Duhh feeler! Di noh! Naiinis ako sayo. Enemy tayo diba? Hmmp!"

"Okay"

Nang makababa kami ay agad akong nagtungo sa dining area. Napatingin sa akin ang mga maid habang naglalakad ako.

Di pa siguro sila nakakakita ng magandang nagbubuhat ng pusa?

"HELLO!!"

Sigaw ko pagkarating sa dining are.

Mag isang kumakain si Calixian. At nang makita niya ako ay kumunot ang noo niya.

"Bakit mo siya binaba?" Kunot noong tanong niya

"Bakit bawal ba?"

"That cat is wild! Kung sino sino kinakagat niyan" aniya

Umupo muna ako bago sumagot

"Talaga? Eh bakit ako hindi kinagat?" Tanong ko.

"I..I don't know" umiwas siya ng tingin.

"Tss. May pagkain ka ba sa pusa diyan? Baka naman may balak kang pakainin yung pusa mo?"

"Nandun sa may box kunin mo nalang" aniya.

"Saan banda?" Tanong ko.

"Ayun oh"

Nang makita ko yung box ay iniwan ko muna yung pusa.

Nandun naman yung amo niya eh.

Pinuntahan ko yung box at tinignan yun

"Rachael ray nutrish natural cat food... Wow sosyal" agad kong kinuha yun at dinala rin yung lalagyan ng pagkain na nasa gilid lang nito.

"Here's you're food lil meow" Sabi ko ng makarating sa dining.

"Her name is Kurly" sabat ni Calixian

"Sinong nagtanong?" Baling ko sa kanya

"You called her lil meow tsh" Aniya at biglang umalis.

"Luh, anong nangyari dun? Bigla nalang nag back out? Tsk. Hey lil meow meow eat ka na"

Nilagyan ko ng cat food yung lalagyan niya ng pagkain. Napangiti ako ng kinain niya ang laman nun.

"Woah is that Kurly?" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Sarchzani.

"Oo. Pinakain ko lang, ang ingay kase" sabi ko.

"Buti di ka kinagat?" Aniya

"Nangangagat ba talaga to?" Tanong ko

"Yeah. Namimili ng amo. Mana yata yan sa crush ni Calixian na impakta eh"

"Crush ni Calixian?"

"Yes. Nung bata pa kase kami, may crush siya sa isang babae. Pero isang araw niya lang ring nakita. Umalis kase pumuntang ibang bansa. Actually kapit bahay namin sila dati. Di naglalabas yung babae. Nasa bahay lang. Kaya nung nakita siya ni Calixian, naging crush niya." Kwento niya

"Anong Connect nun sa pusa?" Tanong ko

"Yung babaeng yun ang nagmamay ari ng pusa na yan. One time, sinamahan namin si Calixian. Sumilip kami sa gate nila. And that time she was playing that cat and she said 'lil meow' and after a minute, lumabas yung mga magulang niya dala yung mga gamit nila. Iniwan nila yun pusa. Kaya after that day, pinasok namin yung bahay nila at kinuha si Kurly, kawawa naman kasi." Aniya

"Ahh. Kaya pala siya nag back out kanina" mahinang sabi ko

"Back out? Why?" Tanong niya

"Tinawag kong 'lil meow' yun pusa eh." Paliwanag ko.

Tumango tango naman siya

"Wait, bakit naman impakta?" Tanong ko.

"Impakta?"

"Oo impakta, masama ugali nun eh. I researched about her. And she's a bitch. Buti nalang umalis. Baka Isa nayun sa mga babae ni Calixian ngayon"

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Meow"

Napalingon ako sa pusa

"You finished?" Tanong ko at tinignan ang lalagyan niya.

"Meow"

"Good girl" Hinimas ko siya saka binalik yung box ng pagkain niya kung saan ko yun kinuha kanina.

"Nasaan kaya yung baliw mong kapatid ngayon?" Tanong ko kay Sarchzani

"I think he's in the pool right now" Aniya

"Sige salamat. Titignan ko kung nandun ba siya"

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon