Chapter 19

11.1K 365 163
                                    

SOMEONE'S POV

Hinding-hindi ko palalampasin ang ginawa ng tarantadong sila Demi, Kris at Colt kay Rebecca. Kung si Rebecca ay pinatawad at pinalaya na sila sa kulungan dahil sa ginawa nila pwes, hindi ako makakapayag doon.

Lintik lang ang walang ganti sa mga nagtangkang umangkin at humawak sa pag-aari ko.

Nang makita ko nang lumabas mula sa bar ang tatlong lalakeng kanina ko pa gustong patayin ay nakita nila ako nang sinundan ko sila sa parking lot.

Sakto dahil kami lang ang taong nandito at walang makakakita sa gagawin ko.

"N-Nandito ka pala?" Gulat na tanong ni Demi at lumapit ito sa akin.

Ginantihan ko naman siya ng ngiti at lumapit ako sa kanya.

"Kakalabas niyo lang sa kulungan then party party na kaagad kayo?" Tanong ko habang nakangiti pa rin.

Tumawa naman si Demi.

"Yeah. Alangan namang magmukmok lang kaming tatlo sa plano na hindi naman namin natuloy? Rebecca already forgive us at kung hindi na namin siya malalapitan at mahahawakan pa ay back to normal na kami. Why is it concern to you?" Tanong niya at humalukipkip ito.

Kahit kailan talaga ay lumaking gago si Demi. Imbes na magsisisi siya o sila sa ginawa nilang kababuyan kay Rebecca ay itinuloy pa nila ang masayang buhay na tinatamasa nila.

Tumaas ang sulok ng labi ko at kinuha mula sa suot kong jacket ang balisong na dala ko.

Tatapusin ko na ang buhay nilang tatlo ngayon. Hindi ako makakapayag sa ginawa nila sa pag-aari ko.

Pumitik ako mula sa ere at kaagad nagsilabasan ang mga kasama ko na kanina pa nagtatago. Pagkalabas nila ay agad nilang hinawakan sa magkabilang braso ang tatlong lalakeng kanina ko pa gustong tirisin at alisin sa mundo ko.

Gulat na gulat sila dahil sa ginawa ko. Nakikita ko na ngayon ang takot sa mga mata nila at alam na rin nila ang magiging kahihinatnan nila.

Kilala naman nila ako. Kilalang-kilala.

"W-Why are you doing this? A-Anong gagawin mo sa amin?" Nauutal at takot na takot na sabi ni Kris.

Tumawa naman ako ng mahina at nilapitan ko si Colt na nanginginig na rin sa takot.

Kaagad kong sinaksak sa dibdib si Colt ng paulit-ulit na ikinadaing at ikinahiyaw niya. Sumisirit na ang dugo sa buong katawan niya dahil sa ginagawa ko samantalang sina Demi at Kris naman ay mababakasan na ng labis na takot at kaba sa mga mata nila.

Sila na ang isusunod ko at mukhang alam na nila ang kahihinatnan nila.

Tuwang-tuwa akong makitang naghihirap at humihiyaw si Colt sa pagsaksak na ginagawa ko sa kanya. Tama lang ito dahil hinawakan nila si Rebecca!

"I-Itigil mo na 'yan. Ano bang ginawa naming kasalanan sa'yo?"

Ang matapang at palaban na si Demi ay halata na ang nerbyos at takot sa boses niya.

Pagkatapos kong saksakin ng paulit-ulit si Colt ay sinenyasan ko ang mga kasama ko na bitawan siya hanggang sa humandusay na ang patay na katawan nito sa sahig ng parking lot.

"The reason why I'm doing this? Because you all touched Rebecca!" Sigaw ko.

"Bakit? Gusto mo rin siya?" Naiiyak namang sabi ni Kris habang sumusulyap-sulyap ito sa patay nang katawan ni Colt sa sahig.

"Yes. I like her at sa akin lang siya!"

Galit kong sabi at lumapit kay Kris at siya naman ang pinagsasaksak ko. Sa daing at pagsigaw niya ay naging musika na iyon sa pandinig ko. Nababahiran na rin ang suot kong damit ng mga walang kwentang dugo na sumisirit sa katawan nitong mga tarantadong nagtangkang angkinin ang pag-aari ko.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon