Kabanata 15

18.4K 599 67
                                    

Kabanata 15

Bidding

The people who admires my works looked at me with so much amusement. Ngayon na kilala na nila ako, mas tumindi ang kanilang kagustuhan na mabili ang mga gawa ko. Hindi ko iyon inaasahan.

They treated me like I can give them fortune. Kahit na siguro ay kabaliktaran dahil ako naman ang kikita sa painting na bibilhin nila. But Noah told me that some of them has a plan of selling the paintings in much bigger price. Kulang na lang daw ay doblehin ang halaga na ibinayad sa akin.

Sa mga naunang tumawag, kadalasan ay mga interesadong bilhin para ilagay sa kanya-kanyang bahay o opisina. Most of them were celebrities and businessmen. Pero nang tumagal, puro collector na. Ang mga kagaya nila ang sinasabi ni Noah na kayang doblehin ang benta kumpara sa orihinal na halaga. Kahit ganoon ang madalas mangyari, may mga collectors pa rin na gusto lang bilhin at hindi ipagbenta.

Maybe there's also a reason why businessmen or celebrities approached me personally. Mahal na ang painting kapag nakuha nila sa mga collectors kaya personal na silang kumakausap sa akin. Pero halos hindi iyon posible, sa yaman nila sigurado akong wala lang sa kanila ang pera.

Sunod sunod ang mga gustong kumausap sa akin. They usually asked where I came from. Tinatanong din nila ang inspirasyon ko sa bawat pagpinta. I will just answer them honestly that I am an orphan, who's living by myself for years and used painting as a source for my daily needs. Hindi nila inaasahan kapag sinasagot ko iyon.

Si Noah ang sumasagot sa tawag dahil siya ang mayroong cellphone. Nakakahiya na dahil pabigla-bigla ang tawag na nakakaabala sa ginagawa niya.

"Kapag nakakuha ako ng pera sa auction, bibili ako ng cellphone para ako na ang sasagot."

"I'm fine with it." he assured me.

Umiling ako. "Masyado na nakakaabala."

Mahina siyang tumawa at tinaasan ako ng kilay.

"I can be your secretary, tho."

Hindi niya ako hinayaang mag-isang pumunta sa mga lugar na gustong makipag-meet. Mahirap para sa akin noong una dahil hindi ko naman kilala ang kinakausap, hindi pa kasali na madalas lalaki ang nagiging kausap ko. Pero ngayon sinusubukan ko na kayaning mag-isa.

Ayoko na makaabala pa kay Noah kaya nagplano na ako na dapat gawin. Sinabihan ko siya na huwag muna makipagkita dahil wala pa naman akong painting na nagawa. Painting ang habol nila kaya kahit makipag-usap ako ngayon, wala ring pupuntahan dahil wala naman akong dala na gusto nila.

Wala pa akong ibang gawang painting maliban na lang sa painting para sa auction. Marami ang nag-aabang kahit na sabihin kong hindi magiging madali ang pagpinta, lalo na't walang masyadong ideya ang pumapasok sa isip ko sa panahon ngayon.

Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako nang ganito katinding suporta sa pagpipinta. Dahil nagsimula lang din akong magpinta at nahasa habang kumikita sa pamamagitan nang paghahatid ko kay Miss Eliza noon.

Hindi ko na alam kung nasaan posible ako ngayon kung wala si Miss Eliza. Kaya ang unang gagawin ko ay ang bumawi sa lahat na nagawa niya sa akin.

Tinignan ko ang repleksyon sa salamin. Suot ko ngayon ang damit na ibinigay ni Noah. Inayos ko ang mukha at hinayaan ibagsak ang mahabang buhok, sa tingin ko'y mas babagay iyon sa damit ko.

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Noah na naghihintay sa sala. Tumayo siya nang makita ang paglabas ko sa kwarto. Suot niya ang puti na longsleeve polo na nakatupi hanggang siko at itim na slacks.

"Tama nga ako na bagay sayo."

Ngumiti ako at nagpasalamat. Iginiya niya ako palabas ng condo. Tahimik ang pasilyo at walang katao-tao, siguro ay dahil gabi na ngayon.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon